Ayon sa Programang Unang Yakap, ang gatas ng ina ay tumutulong sa pagpapatibay ng katawan ni baby.
At Opo, ‘Nay!
Nang may pag-iingat, maaaring mag-breastfeed kahit ang mga nanay na nahawaan o posibleng nahawaan ng COVID-19.
Anong paraan ng pag-iingat ang kailangan upang hindi maipasa ang sakit kay baby?
- Gawing ugali ang pagsuot ng mask sa loob ng bahay, lalo na’t tuwing kasama si baby.
- Dalasan ang pagpalit o paglinis ng sinuot na mask.
- Sanayin ang paghuhugas ng kamay at paglilinis ng katawan bago hawakan si baby.
- Panatilihing malinis ang paligid para makaiwas sa sakit.
- Siguraduhing ligtas ang paghahalubilo ni baby sa ibang tao.
Maging maingat sa pagpapasuso kay baby at tuloy-tuloy ninyong ipadama ang pagmamahal sa kanya.