fbpx
Skip to content Skip to footer

Ang tamang pag-iingat ng mga nagpapasusong nanay na positibo sa COVID-19 — basahin

Mask lang ba ang kailangan?

Ayon sa Programang Unang Yakap, ang gatas ng ina ay tumutulong sa pagpapatibay ng katawan ni baby.

At Opo, ‘Nay!

Nang may pag-iingat, maaaring mag-breastfeed kahit ang mga nanay na nahawaan o posibleng nahawaan ng COVID-19.

Anong paraan ng pag-iingat ang kailangan upang hindi maipasa ang sakit kay baby?

  • Gawing ugali ang pagsuot ng mask sa loob ng bahay, lalo na’t tuwing kasama si baby.
  • Dalasan ang pagpalit o paglinis ng sinuot na mask.
  • Sanayin ang paghuhugas ng kamay at paglilinis ng katawan bago hawakan si baby.
  • Panatilihing malinis ang paligid para makaiwas sa sakit.
  • Siguraduhing ligtas ang paghahalubilo ni baby sa ibang tao.
Ang tamang pag-iingat ng mga nagpapasusong nanay na positibo sa COVID-19

Maging maingat sa pagpapasuso kay baby at tuloy-tuloy ninyong ipadama ang pagmamahal sa kanya.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here