Skip to content Skip to footer

Daphne Pills Guide for Women in the Philippines

Click the play button to watch the video.

What Is Daphne

Daphne is one of the most common progestin only pills or POPs na gamit ng maraming babae sa Pilipinas. Marami ang pumipili nito lalo na ang breastfeeding moms at yung hindi hiyang sa pills na may estrogen. Magaan lang siya sa katawan at bagay para sa women na gusto ng daily protection na tuloy tuloy at walang break.

What Daphne Contains

Daphne has lynestrenol which is a type of progestin . Ito ang nagpapakapal sa cervical mucus para hindi madaling makapasok ang sperm. Nakakatulong din ito pigilan ang ovulation at ginagawa ang lining ng matres na hindi welcoming para sa implantation. Simple pero effective kapag consistent ang pag take.

Who Usually Uses Daphne

Bagay ang Daphne sa breastfeeding moms dahil hindi ito nakakasira ng milk supply o growth ni baby . Good option din ito para sa women na bawal sa estrogen tulad ng smokers o may certain health conditions. Kung gusto mo ng everyday pill na low dose at hindi masyadong mabigat sa katawan this is a common recommendation.

How To Take Daphne

Isang pill araw araw same time everyday. Important ang consistency dahil bumababa ang bisa kapag lumagpas ka nang higit three hours sa usual time mo . Pinakamadaling simulan sa first day ng regla pero pwede ring mag start any day basta sure na hindi buntis at gumagamit muna ng condom for seven days habang nag eeffect .
Para sa breastfeeding moms pwede mag start six weeks after manganak . Tuloy tuloy inumin walang pahinga. Pagkatapos ng last pill start agad ng new pack kinabukasan.

What To Do If You Forget

Kung less than three hours ka late ok lang. Inumin agad then follow your usual schedule. Walang need for back up.

Kung more than three hours ka late kailangan uminom agad then use condoms or abstain for two days habang bumabalik ang hormone protection . Ganito rin kapag nagsuka ka within two hours after taking the pill or may severe diarrhea dahil pwedeng hindi na absorb ang gamot.

Possible Side Effects

May ilang babae na nagkakaroon ng mild changes tulad ng irregular bleeding mood changes headaches or changes sa appetite. Common and usually gumagaan pag nasasanay ang katawan. Rare ang severe reactions pero magpacheck kapag may unusual symptoms lalo na kung may dati kang migraine heart disease liver problems o diabetes .

Medicines That Can Affect Daphne

May mga gamot na pwedeng magpahina ng bisa ng Daphne tulad ng ilang anti seizure meds anti TB antibiotics at herbal products gaya ng St John’s Wort . Kung may iniinom kang ibang gamot always inform your healthcare provider para hindi bumaba ang protection.

When To See A Healthcare Provider

Magpatingin kapag may persistent heavy bleeding severe headaches sudden abdominal pain o kung may hinala kang buntis. Safe ang Daphne for long term use pero magandang may regular check up lalo na kung may medical conditions.

Tips Para Hindi Makalimot

Idugtong ang pill sa routine mo. Marami ang iniinom ito bago matulog para hindi nakakalimutan. Kung madalas ka pa rin malate maybe mas bagay sayo ang injectable or implant para hindi mo na iniisip araw araw.

————————————————–

Naghahanap ka ba ng mapagkakatiwalaan at abot-kayang serbisyong pangpamilya sa pagpaplano ng pamilya sa Manila? Kung gayon, marapat mong tingnan ang Comprehensive Family Planning Center (CFPC) sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Kung kailangan ninyo ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya, maaari kayong maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming Health Facility Locator sa rh-care.info/providers. I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services sa loob ng sampung kilometro mula sa iyong lokasyon.