Skip to content Skip to footer

Emergency Contraception And The Yuzpe Method

Click the play button to watch the video.

Watch The Video

Para sa exact pill count at step-by-step instructions, panoorin ang video guide ng RH Care Info.
https dot youtu dot be slash JrL9yrTJUxI

What Emergency Contraception Is

Emergency contraception ay ginagamit kapag may nangyaring unprotected sex o nagka problema sa gamit na method. Halimbawa ay pumutok ang condom, na late ka sa pills, or may contact na hindi mo inaasahan. Hindi ito para sa daily use. Pampigil buntis lang ito sa situations na biglaan at kailangan mo ng immediate backup.

Ang main action ng emergency contraception ay pigilan ang ovulation bago maglabas ng egg ang katawan. Kapag nag ovulate ka na, mas mahina na ang effect. Kaya napakahalaga na mas maaga mo itong inumin. Mas maaga, mas mataas ang protection.

Available Options

May dedicated EC pill na mabibili sa botika. Ito ang pinakasimple na option kung available agad.
Kung walang access sa EC pill, puwedeng gawin ang Yuzpe method gamit ang regular combined pills na meron ka sa bahay. Ito ang practical option kapag emergency talaga at walang mabili.

How The Yuzpe Method Works

Gumagamit ang Yuzpe method ng combined pills. Dalawang doses ito na may pagitan na twelve hours. Depende sa brand ang required number of tablets bawat dose. Para hindi ka magkamali, nasa video ang detailed count ng bawat common brand.

Dapat mong inumin ang first dose agad pagkatapos ng unprotected contact. Huwag magintay dahil bawat oras na lumilipas ay nagpapababa ng effectiveness. Pagkatapos ng twelve hours, inumin mo ang second dose para makumpleto ang method.

Effectiveness And Timing

Pinaka-effective ang Yuzpe method kapag ininom mo within twenty-four hours.
Puwede pa rin itong gumana hanggang seventy-two hours.
May effect pa rin hanggang five days, pero mabilis itong humihina habang tumatagal.

Expected Side Effects

Normal lang ang hilo, pagsusuka, sakit ng ulo, breast tenderness, at pag iba ng timing ng next period.
Kung nagsuka ka within two hours after uminom, kailangan mong ulitin ang dose dahil baka hindi ito na absorb ng katawan.

When To Avoid The Yuzpe Method

Hindi ito recommended kung may heart disease, history ng stroke, or clotting problems.
Hindi ito ideal kung below six weeks postpartum at nagbe breastfeed ka.
Huwag mo rin itong gawin kung hindi ka sigurado kung combined pills ba ang hawak mo.

What To Expect After Taking It

Normal na mag-iba ang timing ng period mo. Puwede itong mas maaga o mas delayed kaysa usual. Hindi ito sign ng serious problem.Kung hindi pa rin dumarating ang mens after three weeks, mag pregnancy test ka para sure. Habang hinihintay mong ayusin ng katawan ang cycle, gumamit muna ng condom.

What Emergency Contraception Cannot Do

Hindi ito pampalaglag.
Hindi nito tinatanggal ang existing pregnancy.
Hindi nito inaayos ang monthly cycle mo.

Choosing A Regular Method

Mas steady at mas reliable ang protection kapag may regular contraceptive method ka. Puwede kang pumili ng pills, POP, Depo, implant, or IUD. Makikita mo lahat ng guides at instructions sa RH Care Info para mas madali kang makapili ng bagay sa lifestyle at health mo.

————————————————–

Naghahanap ka ba ng mapagkakatiwalaan at abot-kayang serbisyong pangpamilya sa pagpaplano ng pamilya sa Manila? Kung gayon, marapat mong tingnan ang Comprehensive Family Planning Center (CFPC) sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Kung kailangan ninyo ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya, maaari kayong maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming Health Facility Locator sa rh-care.info/providers. I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services sa loob ng sampung kilometro mula sa iyong lokasyon.