Hindi lamang ang buong Pilipinas kundi ang buong mundo ang ngayon ay nasa crisis dahil sa mabilis na paglaganap ng sakit na COVID-19. Marami pa ang hindi alam sa sakit na ito kaya’t mainam na sundin ang payo ng mga eksperto at manatili sa ating mga bahay upang maiwasan ang pagkakasakit ng ating pamilya. Habang tayo ay naka-quarantine, siguraduhin ang kaligtasan ng inyong pamilya sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanila ng mga pagkaing masustansya at mayaman sa bitamina.
Isa rin sa maaring maiwasan sa panahong ito ay ang hindi planadong pagbubuntis sa pamamagitan ng Family Planning. Ayon sa DOH ang family planning ay:
“Ang paggamit ng mga moderno, mabisa at epektibong mga pamamaraan upang maisakatuparan ang hangarin ng mga mag-asawa na magkaroon ng minimithing dami ng mga anak at ang wastong pag-aagwat sa mga ito. Ang wastong pag-aagwat ay ang pagbubuntis na may pagitan ng tatlo hanggang limang taon.”
Maraming iba’t ibang klase ng family planning method na maaring gamitin depende sa kung ano ang bagay sa isang pamilya. Upang mas madaling makita kung ano ang bagay na method sa inyo, narito ang isang chart:
If you need family planning service, you can search for FP Providers near you by using our HEALTH FACILITY LOCATOR. Simply input your location, then select “Family Planning Services” and click on the search button. The results will show the health facilities providing family planning within a 10 kilometer radius from your location.