#MayKwentoAko received stories from women who shared their different experiences with family planning. Continue scrolling to read Jona’s, Maria’s, and Lily’s submissions. Â
JONA, Pills User:
Dear RH,Â
Implant user ako dati, to be honest, di naging madali ang resulta ng pagpapa-implant ko for almost 1 and half years. Nag-suffer ako ng kung ano anong side effect. Lagi ako nagkaka-mens, at nagka-vaginal infection ako. (Disclaimer) Base lang po ito sa side effect saken. Kaya nagdecide ako na magswitch sa pills.
Sa una kinakabahan ako dahil makakalimutin ako. May time pa nga na nagdodoble na ako ng inom sa isang araw. At iniisip ko kung nainom ko na ba? At may time pa nga na 2 days ko nang di naiinom ung pills. Ganyan ako makakalimutin.
Pero syempre wais ako bawal muna kontak! At dahil na din sa kagustuhan kong wag munang sundan ang LO ko kaya nagdecide ako na magpills nalang, iba-iba side effect depende sa pakete na naiinom ko. Pero magandang mag pills para sa mga mag-asawang gusto munang mag spacing (ayaw muna mag anak). The best na mag-consult muna at para sa mga makakalimutin na katulad ko, the best na gumamit kayo ng pill app or alarm para di niyo mamiss ang pag inom.
MARIA, Pills User:
Ako ay nanganak ng premature boy. Bata pako Kaya naisipan ko gumamit na ng family planning at isa na nga po don si Lady pills. Ang aking kwento kay Lady pill, ay lagi ako nakakaramdam ng sakit ng ulo na kumikirot. Masaket ang aking likod, minsan nasusuka, at minsan para akong tipong naka-inom ng may kalawang. At napakarami pang akin naranasan kay Lady pills, pero gawa nga ng bata pako at ayuko pa masundan ang aking baby boy, kaya akin lang ito pinagpapatuloy.
Salamat nga pala sa page na ito na may pinakamabait na mga nurse na sumasagot agad sa mga katanungan. Yan po ay ang RH Care Info salamat sayo RH Care Info.Â
At Sana maging ok lang sakin ang mga effect at wag sana makasama sa aking kalusugan, pero sa isang sabi maganda siya. Napataba nya ko pero ayoko tumaba 🤣🤣 Kaya no choice tayo kasi ayaw ko pa masundan eh. Tiis LangÂ
Salamat sa page ng family planning at page ng RH Care Info. Yan po ang aking kwento.
LILY, Pills User
Ito ang kwento ng self ko sa paggamit ng birth control. Sa 3 choices na pagpipilian, mas nagustuhan ko po ang pills kesa sa inject, kasi sa inject nasira period ko hehe. Sa pills, bumalik sa normal, at laking tulong din sakin ang pills para maiwasan ang pagdami ng anak.
— Ibahagi ang inyong mga karanasan (mahaba man o maikli) sa family planning, maternal health, HIV & STI, gender violence, at inyong kabataan. Ang inyong mga ipapadalang kwento ay maaari naming ibahagi sa aming website at social media.
Check out our Health Facility Locator to see health facilities near your location.