Story submitted through #MayKwentoAko by a rape victim who experienced victim-blaming from friends and relatives. We hope that her story may serve as a reminder to all of us that victim-blaming is NEVER okay.
Submitted by J:
November 2018. Pumunta ako sa birthday celebration nung kaklase kong lalake si “boy”. Nag-inuman kaming magkaklase (apat, dalawa kaming babae) tapos iba niyang mga kaibigan na taga-roon sa kanila. ‘Di pa ko sanay masyado uminom kaya nalasing ako’t nahihilo, ‘di ko na nabilang kung naka-ilang ikot na yung tagay.
Yung tumawag na ate ko para pauwiin na ko sabi ni boy ihahatid niya ko, nagpaalam rin kami sa nanay nung isa namin kaklase na aalis na kami. Nagtiwala ako kay boy kasi five years na kami magkakilala e. Yung aangkas na ko sa motor niya sabi ko sa kanya na inaantok na ko, sabi naman niya sumandal nalang muna ako sa likod niya. Then nakatulog naman ako.
Naalimpungatan nalang ako yung tumigil siya sa pag-drive at inaalalayan niya ko papasok sa parang abandonadong manukan. Sabi niya sakin may aasikasuhin lang daw sila nung kaibigan niya. Kahit nahihilo pa ko nun tandang-tanda ko na sinabi ko sa kanya na “uwi na ko”, “ihatid mo na ko”, dinala niya ko sa loob. Sobrang dilim as in parang nakapikit ako. Doon na nagsimula yung pangagahasa sa akin.
Hindi ako makagalaw o makalaban kasi parang ako yung nahiya, pati ang akala niya lasing na lasing pa ko. Pasimple ko siya inilalayo at iniiwasan ko mga halik niya. Yung natapos na siya, lumabas siya saglit, ako nakahiga at nakatulala lang sa dilim. Maya maya may pumasok, tapos hinahawak-hawakan na ko kung saan-saan, akala ko yung kaklase ko yun ibang lalake na pala.
Yung nakasama namin sa inuman na kaibigan na taga sa kanila lang. Sobrang bigat na ng dibdib ko sa nangyayari gawa nung bigat nung kaibigan niya di na ko makahinga ng maayos. Hindi pa rin ako gumagalaw o kung ano man. Gusto ko umiyak na nun, gustong gusto ko pero walang tumutulo na luha pero ramdam ko yung puso ko na parang durog na durog na. Kasi di lang ako ginahasa nung kaklase ko… Pinagalaw niya pa ko sa ibang tao.
Sobrang baboy na baboy na ko sa sarili ko nun. Nagdadasal nalang ako na sana panaginip nalang yung nangyari at matapos na agad kasi masakit na yung nga ginagawa. Pwinepwersa nila ipasok. Nung natapos na tsaka nila ko hinatid pero dahil sa nangyari at yung tingin ko sa sarili ko, nagkunwari nalang ako na lasing pa, kasi natakot rin ako na kapag sumigaw ako di na nila ako ihatid sa amin. Pagkauwi ko, naligo ako agad at nagkulong na sa kwarto dun na ko biglang umiyak. Masakit rin yung katawan ko lalo na yung likod at yung ari ko.
Ilang linggo ko kinimkim yung nangyari at iniiwasan si boy sa school. Akala niya di ko natatandaan. Yung nagkaroon ako ng konting lakas na loob magsabi, linapitan ko yung isa kong kaklase na babae. Kwinento ko sa kanya yung nangyari. Bigla ako nagsisi nung ang una niyang sinabi sakin ay “Ano ba kasi ang suot mo?” at sumunod na yung iba pang mga tanong na “Bakit ka pa kasi uminom?”.
Lalo ako nagsisi sa nangyari kasi uminom pa ko. Sobrang nag-iba ugali ko sa school at halos inaantok rin ako sa klase kasi di ako makatulog nang maayos. Binabangungot ako madalas simula nung nangyari yun. Naka ilang attempt rin ako mag suicide kahit nasa school ako. Di ako makapagsumbong sa magulang, ate, at lola ko kasi hiyang hiya ako sa nangyari sa akin, nasa-isip ko rin nun na papagalitan ako at ikakadurog ng puso ng magulang ko yun.
December 2. Hanggang sa di ko na kinaya isarili yung nangyari nagtangka ako na tapusin na talaga buhay ko kasi para saan pa para mabuhay ako? Napakababoy na ng katawan ko at isang kahihiyan lang ako sa pamilya ko.
Hindi natuloy kasi pinigilan ako nung kaibigan at ex ko nung nahanap nila ako. Dahil sa pag-alala nila tinanong nila kung ano na ba nangyayari sa akin at ano ba problema ko. Kwinento ko sa kanila at napakaswerte ko kasi sila ang tumulong sakin na magsumbong sa lola ko (principal ng school namin).
December 3. Yung pumasok na ko para makapagsabi kay lola, yung mga kaklase ko nagmamakaawa na ibahin ko ang kwento kay lola para di mapatalsik sa school si boy at di ipakulong. Vulnerable pa ako nun kaya gulong gulo ako sa gagawin ko. Kinausap na ako ni lola at alalang alala siya sa akin pero medyo na dismaya ako sa sarili ko kasi tinanong sa akin ni lola kung sumigaw ba raw ako at bakit daw hindi. Naiyak nalang ako.
Kwinento niya sa tita kong doktor para tulungan ako. Nagpacheck up tapos may pinakausap sakin na galing yata sa DSWD. Sinabi ko lahat lahat tapos yung tinanong kung ano gusto ko gawin kay boy at sa kaibigan niya, ang sinabi ko wala, gusto ko nalang umuwi at magpahinga. Pati iniisip ko rin nun na baka magalit sakin mga kaklase ko kaya sinabi ko na wala nalang ako gustong gawin. Ngayon nagsisisi na ko
Sana ipinakulong ko yung dalawang nanggahasa sa akin. Si boy ang nakakuha ng suporta at simpatya ng mga tao sa school, sa paligid, sa mga nakakaalam, pati adviser namin. Kahit nakapagsumbong na ako, depressed pa rin ako kasi hinuhusgahan ako ng tao sa school, linalayuan na rin ako pati mga kaklase ko na akala ko mga kaibigan ko. Nabalitaan ko rin na hindi raw kapanipaniwala yung nangyari sakin, kesyo may gusto raw ako kay boy kaya ginusto ko rin naman daw ang nangyari. Kahit pinatalsik na ni lola si boy sa school namin, nahihirapan pa rin ako makarecover sa trauma dahil sa mga mapanghusgang tao sa paligid.
Nasa isip ko lang na ang unfair kasi parang nawala na lahat sakin, nawalan ako ng nga kaibigan, parang nawalan ako ng dignidad. Samantalang nag-aalala ang mga tao kay boy at halos ipaalala nila araw araw sakin na namimiss na nila si boy at nakakaawa raw siya.
Sobrang hirap lang maka-recover sa nangyari kung mas nakakarinig ka ng mga victim-blaming statements at chismis. Halos pumapasok lahat ng sinasabi ng tao sakin sa isip ko at magdamag ko iisipin yun. Hanggang sa paulit ulit ako magsisisi at mandiri sa katawan ko. Ilang buwan ko rin hindi matignan sarili ko sa salamin at halos gabi gabi ako umiiyak at iniisip pa rin na tapusin buhay ko o saktan sarili ko.
Kinaya ko lang ang lahat dahil kila lola, tita, at mga kaibigan ko. Napakaliit lang ng support system ko noon. Pinag-consult ako ni tita sa kaibigan niyang psychiatrist dahil nga sa nangyari, at medyo nakatulong din sa akin yun. Sinubukan ko rin mag Bible study at gumaan loob ko kahit papaano sa mga bagay at tao na yun.
Minsan may mga bagay na nakakapagtrigger ng trauma ko at parang fresh na fresh pa rin yung sakit. Ngunit patuloy pa rin ako lumalaban dahil sa support system ko at sa iba pang tao na tinulungan ako na mahalin ko ulit sarili ko at ipinaintindi na hindi ko kasalanan ang nangyari.
Kaya para sakin lang victim-blaming isn’t helpful for the recovery of survivors. Mas lalo lang pinapabigat yung problema at patuloy kaming pinapatahimik. Hindi ko pa nasasabi sa magulang ko dahil takot pa rin ako at ayoko lang sila malungkot, tinetyempuhan nalang din namin nila tita at lola kung kailan sasabihin.Â
Matagal ko na po gusto magshare dahil may mga nakikita rin ako na nagspeak up sa nangyari sa kanila. Thank you for this po. Please change the names nalang. May God bless you and continue to raise awareness para ma-lessen na ang victim-blaming sa pinas.
If you’ve experienced the same thing, you may feel free to share your stories with us below. Our ongoing campaign, #MayKwentoAko, features stories shared with us to encourage positive conversations. If you need to locate a Women and Children Protection Unit near you, you can use our Health Facility Locator.