Kumusta po sa mga magiging nanay!
Sa kasalukuyang pandemya ng COVID-19 at pagpapatupad ng quarantine sa buong bansa, maaaring marami sa inyo ang natatakot na bumisita sa mga health facility para tugunan ang inyong kalusugan.
Sa kabila ng katunayang mas nakabubuti ang inyong panganganak sa ospital, maraming pasilidad ngayon ang kulang ng mga silid dahil sa labis na bilang ng mga pasyenteng may COVID-19. Sa dahilang ito, pansamantalang naglagay kami ng “24/7 Ligtas-Buntis Help Line” upang magbigay impormasyon sa maraming mga buntis na nahihirapang makahanap ng ospital o lying-in clinic na tatanggap sa kanila sa oras ng kanilang panganganak.
Kung kayo po o may kakilala kayong manganganak na at nangangailangan ng impormasyon upang malaman kung anong ospital o lying-in na malapit sa inyo ang tumatanggap ng mga manganganak, ang Ligtas Buntis Help Line ay tatanggap lamang ng tawag hanggang June 30, 2020 mula sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.
Oras ng Tawag : 8AM to 4PMNumber: (0956) 511 ****
* * * * * *
Oras ng Tawag: 4PM to 12MNNumber: (0915) 096 ****Â
* * * * * *
Oras ng Tawag: 12MN to 8AMÂ Number: (0956) 457 ****
Continue following our social media accounts (Facebook, Instagram, Twitter) to stay updated.