Skip to content Skip to footer

Instructions For Missed Pill

Ano ang gagawin kapag nakalimot uminom ng pills?

Ano po ang gagawin kung nakalimot uminom ng pills?

Pag ikaw ay nakalimot uminom ng 1 pill:

  • Sa loob ng 24 hours → Inumin agad ang nalimutang pill at tuloy lamang sa pag-inom ng natirang pills sa takdang oras.
  • Mahigit ng 24 hours ang nakalipas → Inumin agad ang nalimutang pill at tuloy lamang sa pag-inom ng natirang pill sa takdang oras. Gumamit ng condom o huwag makipagtalik for 7 days.

Pag ikaw naman ay nakalimot uminom ng 2 o higit pang pills:

Laktawan ang nakalimutang pills maliban sa huling pill. Inumin agad ang huling nalimutang pill at ipagpatuloy ang pag-inom ng natirang pills sa takdang oras. Gumamit ng condom o huwag makipagtalik for 7 days.

Laging tandaan:

  • Ugaliing inumin ang pills sa parehong oras araw-araw.
  • Ang karagdagang impormasyon at instructions sa pag-inom ng pills ay nakasulat sa leaflet na kasama ng biniling pills.

Kung kailangan mo ng serbisyo ng family planning, maaari kang maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming HEALTH FACILITY LOCATOR.

I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services sa loob ng 10 kilometro radius mula sa iyong lokasyon.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here