Skip to content Skip to footer

Paano nga ba nabubuntis ang isang babae?

At ano ang iba pang dapat malaman?

Paano nga ba nabubuntis ang isang babae? (How does a girl get pregnant?) Kapag nakipagtalik ka ba ay agad agad na ika’y mabubuntis? Ano ba ang kailangan upang ikaw ay mabuntis? Paano ba maiwasang ang pagbubuntis sa murang edad?

Iyan marahil ay ilan lamang sa mga katanungan niyong mga kabataan na hindi niyo malaman kung kanino maaring tanungin. Iyan ay isa isa naming sasagutin.

Tanong: Kailan ba pwedeng magsimulang mabuntis ang isang babae?

Sagot: Kapag ang babae ay nagsimula ng mag-regla, ito na ang hudyat na pwede na siyang mabuntis kapag siya ay nakipag-sex.

Tanong: Paano ba nabubuntis ang babae?

Sagot: Dalawang sangkap ang kailangan upang mabuntis ang isang babae, ang egg cell ng babae at sperm ng lalaki.

Tanong: Gaano karaming sperm ba ang kailangan upang mabuntis?

Sagot: May halos 20 milyon ang sperm sa isang kutsarita. Ngunit, isang sperm lamang ang kailangan upang ikaw ay mabuntis.

Tanong: Paano maiiwasan ang pagbubuntis sa murang edad?

Sagot: Huwag munang makipagsex o di kaya naman gumamit ng proteksyon katulad na lamang ng condoms, pills o iba pang family planning method.

Kung ikaw ay may iba pang katanungan i-message na yan sa RH Care Facebook Page. Para naman malaman ang iba’t ibang family planning methods, i-click lamang ito.

Kung ikaw ay nangangailangan ng pangangalaga tulad ng prenatal, panganganak at postnatal care, maaari kang maghanap ng mga doktor, bahay-paanakan at ospital na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming HEALTH FACILITY LOCATOR.

I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Maternal Care Services” at mag-click sa search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga klinika na nangangalaga sa mga ina sa loob ng 10 kilometro radius mula sa iyong lokasyon.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here