< Tap for truths below >
SABI-SABI PO lamang ang pagtunaw ng pills sa matres.
TOTOO PO na tulad ng pagkain, ang pills ay natutunaw sa ating tiyan at hindi sa matres. Ito rin ay na-absorb sa daluyan ng dugo kaya napapataas ng hormones na laman ng pills (Estrogen, Progestin) ang natural level ng hormones ng katawan na pumipigil sa pagbubuntis.

SABI-SABI PO lamang na gumagalaw at nakakamatay ang implant.
TOTOO PO na ito ay inilalagay sa ilalim ng balat ng braso kung kaya't hindi ito makakapunta sa inyong matres, utak, puso, o ibang bahagi ng katawan kahit na kayo ay pumayat o tumaba man. Para tama ang paglagay at pagtanggal ng inyong implant, siguraduhin lang po na trained medical professional ang gagawa nito.

SABI-SABI PO lamang na malalason si baby kung gagamit ng pills si mommy.
TOTOO PO na hindi nakakasama ang kahit anong contraceptives tulad ng pills sa pinapa-breastfeed niyong baby. Kaya lang po may nirerekomendang klase ng contraceptives sa mga breastfeeding moms dahil may mga iilang contraceptives na maaaring makabawas sa dami ng gatas ng ina.

SABI-SABI PO lamang na side effect ng pills ang UTI.
TOTOO PO na maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng UTI, pero hindi kabilang dito ang paggamit ng pills. Para maiwasan ito, uminom ng sapat na dami ng tubig araw-araw at mag-practice ng good personal hygiene.

SABI-SABI PO lamang na para sa may asawa at anak lang ang contraceptives.
TOTOO PO na para ito sa kahit sinong aktibo sa pakikipagtalik na ayaw pang mabuntis. Nirerekomenda rin ito ng mga doktor para sa mga kababaihan na may mga medical condition tulad ng hormonal imbalance, irregular periods, severe dysmenorrhea (matinding pananakit ng puson), at polycystic ovary syndrome (PCOS).

SABI-SABI PO lamang na naiipon ang dugo sa matris ng mga naka-Implant o Injectable.
TOTOO PO na kumakapal ang lining ng matris bilang paghahanda sa pagbubuntis, pero kung walang nabuong bata, ang lining ay ang magiging regla. Kaya walang naiipong dugo sa matris kahit hindi nireregla dahil madalas na manipis ang lining ng inyong matris.

SABI-SABI PO lamang na tiyak ang Salt Pregnancy Test.
TOTOO PO na ang paglalagay ng asin sa inyong ihi ay hindi nakakatukoy ng inyong HCG o Human Chorionic Gonadotropin hormone. Nakakabigay ng tamang resulta ang Blood Pregnancy Test, Transvaginal Ultrasound, at Urine Pregnancy Test.

Previous
Next