Skip to content Skip to footer

Teenager Pa Lang Ako, Paano Po Ba Ang Tamang Pag-inom Ng Contraceptive Pills?

Siguraduhing hindi kayo buntis bago uminom ng pills. Alamin ang tamang pag-inom ng Contraceptive Pills para sa mga teenager.

Mahalaga ang tamang pag-inom ng contraceptive pills upang masiguro na ito ay epektibo sa pag-prevent ng unplanned na pagbubuntis.

  1. Kumunsulta sa doktor – Dapat kang magpakonsulta sa doktor upang malaman kung ano ang tamang uri ng contraceptive pills para sa iyo. Kailangan din malaman mo kung mayroon kang kondisyon na maaaring magdulot ng komplikasyon sa paggamit ng contraceptive pills.
  2. Basahin ang label – Basahin ang label ng contraceptive pills upang malaman kung paano ito dapat gamitin. Sundin ang mga tagubilin sa pag-inom ng pills at kung kailan ka dapat mag-umpisa.
  3. Magsimula sa unang araw ng regla – Kung hindi ka pa gumagamit ng contraceptive pills, magsimula ka sa unang araw ng iyong regla. Pwede rin naming mag-umpisa ng walang regla kung sigurado kang hindi ka buntis. Kung ikaw naman ay nagpapalit ng brand, dapat walang laktaw na araw ang pagpalit nito.
  4. Take it at the same time every day – Dapat mong inumin ang pills sa parehong oras araw-araw. Kung hindi mo ito susundin, maaaring hindi ito magiging epektibo sa pagpapigil ng pagbubuntis.
  5. Huwag kalimutang uminom – Huwag kalimutang uminom ng pills. Kung makalimutan mo ito, uminom ka agad sa oras na maalala mo ito at inumin ang mga susunod na tablets as scheduled.
  6. Gumamit ng backup contraception – Para sa added protection, gumamit ng backup contraception tulad ng condom sa unang linggo ng paggamit ng contraceptive pills.
  7. Monitor ang side effects – Panatilihing sinusubaybayan ang anumang side effects at ipaalam sa doktor kung mayroong hindi pangkaraniwan na nararanasan.

Tandaan na ang contraceptive pills ay hindi proteksyon laban sa sexually transmitted infections (STIs). Kailangan mong gumamit ng iba pang forms ng protection para sa proteksyon laban sa STIs.

Magsubscribe at panoorin dito sa Youtube Channel ng RH-Care Info ang tamang pag-inom ng pills.

Tandaan, kapag hindi tama ang pag-inom ng pills, nababawasan o nawawala ang bisa nito, at malaki na ang chance na mabuntis.  Para sa listahan at presyo ng mga pills sa Pilipinas, pumunta sa ating website sa rh-care.info/pills-prices.

Kung kailangan ninyo ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya, maaari kayong maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming Health Facility Locator sa rh-care.info/providers. I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services sa loob ng sampung kilometro mula sa iyong lokasyon.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here