In this video, we’ll learn how to strike through the stigma surrounding HIV by correcting a few common misconceptions.
“Nagkaka-HIV lang ang may maraming partners?” Hmm, hindi po. Kahit sinong may isa o maraming partner ang pwedeng mahawaan at makahawa.
“HIV is a disease of gay men.” Strike that. Hindi pinipili ng HIV ang iyong partner. Undetected HIV will be transmitted to whoever your partner is. Maaari ring makakuha ng HIV sa paghiraman ng drug needles at maaari ring mahawa ng breastfeeding moms living with HIV ang kanilang baby.
“Mahal ang magpa-test.” Actually, libre lang po ang magpa-test sa public health facilities. Maaari ninyong gamitin ang health facility locator para malaman ang pinakamalapit na pasilidad sa inyong lugar.
“Hindi na kailangang magpa-test kung walang nararamdaman.” Kung kayo ay sexually active, normal lamang ang maka-ugaliang magpa-test para maagang maagapan kung kayo ay positibo sa HIV. Hindi agad lumalabas ang ibang sintomas ng HIV dahil ang iba ay inaabot ng ilang taon bago makaramdam ng sakit.
“Home remedy is the best remedy.” Huwag po nating patagalin ang inyong treatment. Bumisita sa inyong doktor o health care provider dahil mas effective po ang treatment kung maagang na-detect na kayo ay may HIV.
“May AIDS na ang may HIV.” Nagiging AIDS lamang po ang HIV kung dumaan ng ilang taon na hindi naagapan ito. Let’s normalize adding HIV testing to our self-care routine!
“Hindi na pwedeng magka-partner ang may HIV.” Wrong answer! You can still have a safe sex life when you’re under treatment and practicing safe sex. Mabuti pong maging open sa inyong partner tungkol sa inyong kondisyon para inyong mapag-usapan ang paggamit ng condom o medication.
“HIV is untreatable?” To tell you the truth po, HIV can be treated! Wala pong lunas sa HIV, pero meron pong paraan, treatment, o medication na nakakatulong para maagapan ito at mabawasan ang chances na maipasa ito sa iba.
So yes, contrary to popular belief, persons living with HIV can treat their condition and live long and healthy lives. Help yourself get tested today po and learn more.
↓
#MayKwentoAko
Let’s strike through the stigma and send your stories for our May Kwento Ako campaign here or below.