Skip to content Skip to footer

DMPA Injectable Guide

Click the play button to watch the video.

Kung gusto mo ng family planning na hindi araw araw iniisip, malamang narinig mo na ang DMPA o Depo shot. Ito yung injectable method na tinuturok every 3 months at nagbibigay ng strong protection laban sa pagbubuntis. Marami ang pumipili nito dahil simple gamitin at bagay sa mga busy o ayaw mag pills.

Paano Gumagana

May hormone ito na unti unting nilalabas sa katawan. Dahil dito, hindi ka nag o ovulate, mas malapot ang cervical mucus kaya hindi basta makalusot ang sperm, at mas manipis ang lining ng matres kaya hindi ready ang katawan sa implantation. Kapag tuloy tuloy kang on time sa injections, napakababa ng chance na mabuntis.

Breasgfeeding Moms

Kung nagpapasuso ka, safe ang DMPA. Hindi nababawasan ang milk supply at compatible ito sa daily routine ng bagong nanay. Maraming moms ang mas comfortable dito dahil hindi sila kailangan mag pills sa gitna ng pag aalaga kay baby.

Mga Benepisyo

Maganda ang DMPA kung gusto mo ng long lasting protection. Isang turok lang, tapos protected ka na for 3 months. Maraming babae ang nakakakita ng dagdag pang benepisyo tulad ng pag bawas ng pelvic pain at dysmenorrhea. May long term research na nagpapakitang puwede rin itong makatulong magpababa ng risk ng endometrial cancer at endometriosis.

Mga Side Effects

Pinaka common ang irregular bleeding. Puwede kang mag spotting, puwedeng minsan may dugo tapos mawawala, o puwedeng totally absent ang regla. Normal ito at hindi nakakasama. May ilan ding nagkakaroon ng weight changes. Kung titigil ka sa DMPA, usually hindi agad babalik ang regular cycle. Madalas 7 hanggang 10 months bago bumalik ang ovulation at fertility.

Kailan Ka Puwedeng Mag Start

Puwede mong simulan ang DMPA anumang araw basta sure kang hindi ka buntis. Kung hindi ka sigurado, puwede kang mag quick start at gumamit ng condom sa unang 7 araw. Puwede rin itong simulan 6 weeks postpartum para sa mga nagpapasuso.

Ano Ang Tama Kapag Late Ka Sa Injection

Ito ang pinaka importante dahil dito madalas nagkakaproblema ang protection. Ito ang malinaw na rules galing sa The Philippine Family Planning Handbook 2023 Edition sa pahina 105.

Kapag On Time Ka

Kung nakabalik ka on or before 13 weeks mula sa previous injection, tuloy ang protection mo. Walang kailangan gawing extra.

Kapag Late Ka Pero Hindi Sobra

May grace period ang DMPA. Ayon sa handbook, kapag late ka ng hanggang 4 weeks pagkatapos ng due date mo, protected ka pa rin. Ibig sabihin, puwede mong tanggapin ang injection at hindi mo kailangan gumamit ng condom. Kahit may delay, hindi pa bumababa ang effect ng hormone sa katawan mo.

Example
Due date mo ay December 1.
Puwede ka pang magpa inject hanggang December 29 na hindi bumababa ang protection.

Kapag Sobra Na Sa 4 Weeks Ang Delay

Ito yung point na bumababa na ang protection. Kung lagpas 4 weeks ka na sa due date, kailangan siguraduhin muna na mababa ang chance na buntis ka. Kung may unprotected sex ka pagkatapos ng due date, kailangan mong mag PT o gumamit ng emergency contraception kung pasok sa 5 days window.

Kapag binigay ang injection, kailangan mong gumamit ng condom o umiwas muna sa sex sa loob ng 7 araw habang bumabalik ang protection.

Kung breastfeeding ka at pasok ka sa LAM criteria, puwede pa ring ibigay ang shot kasi mababa pa rin ang risk ng pregnancy.

Importante ring tandaan na grace period lang ang 4 weeks. Hindi dapat gawing habit ang late injections, kasi mas nagiging unpredictable ang cycle at mas mahirap bantayan kung protected ka pa o hindi.

Kailan Babalik Ang Fertility

Normal na magtagal ang pagbalik ng ovulation na on average ay 10 months. Kahit matagal ka nang walang injection, hindi ibig sabihin may problema ka. Ganito talaga ang epekto ng DMPA at bumabalik ito sa normal with time.

Sino Ang Hindi Bagay Sa DMPA

Kung may malalang sakit sa atay, uncontrolled na high blood pressure, unexplained bleeding, o bone health issues, kailangan mong magpatingin muna. Provider ang magbibigay ng final go signal depende sa medical eligibility mo.

Paano Ka Pipili

Kung gusto mo ng long lasting, simple, at low maintenance na method, bagay ang DMPA sa iyo. Kung importante sa iyo ang regular monthly period, baka mas masaya ka sa ibang options. Hindi kailangan magmadali sa pagpili. Lahat ng methods may pros and cons at mas okay kapag alam mo lahat bago ka mag decide.

Watch The Video

Panoorin ang video sa article para sa step by step explanation ng tamang paggamit ng pills.

————————————————–

Naghahanap ka ba ng mapagkakatiwalaan at abot-kayang serbisyong pangpamilya sa pagpaplano ng pamilya sa Manila? Kung gayon, marapat mong tingnan ang Comprehensive Family Planning Center (CFPC) sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Kung kailangan ninyo ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya, maaari kayong maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming Health Facility Locator sa rh-care.info/providers. I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services sa loob ng sampung kilometro mula sa iyong lokasyon.