Skip to content Skip to footer

Gabay Sa Paggamit Ng Diane 35

Click the play button to watch the video.

Ano Ang Diane 35

Ang Diane 35 ay kilalang gamot na may kombinasyon ng hormones na nakakatulong sa acne, oily skin at minsan ginagamit din bilang contraception. Hindi ito pangkaraniwang beauty pill kaya dapat tama ang paggamit at malinaw ang expectations. Para mas maintindihan ninyo, panoorin din ang video na kasama sa article na ito sa link na ito https://youtu.be/hbWoce5-dLk

Paano Inumin Araw Araw

Isang pill kada araw sa parehong oras. Mas okay piliin ang oras na hindi mo nakakalimutan tulad ng bago matulog o pagkatapos kumain ng dinner. Pag nauubos mo ang isang pack tuloy tuloy lang hanggang matapos mo ang active pills. Kung may inactive pills sa pack ubusin mo rin para hindi ka malito kung kailan ka magsisimula ng panibagong pack.

Paano Magsimula Sa Unang Beses

Pwede magsimula sa unang araw ng regla para automatic ang protection. Pwede rin magsimula kahit anong araw basta siguraduhin na hindi buntis at gumamit muna ng condom sa unang pitong araw.

Ano Ang Normal Na Mga Epekto

Pwedeng magbago ang daloy ng regla. May mga naglilight spotting sa unang buwan. Pwedeng sumakit ang dibdib o medyo sumama ang pakiramdam sa unang linggo habang nag aadjust ang katawan. Kadalasan nawawala rin ito habang tuloy tuloy ang pag inom.

Ano Ang Dapat Bantayan

Kapag hindi mo makontrol ang sobrang sakit ng ulo, pananakit ng dibdib na kakaiba, hirap huminga o sobrang pananakit ng binti, magpatingin agad. Ito ang mga rare na side effects pero mas mabuti nang alam mo kung ano ang warning signs.

Paano Kapag Nakalimutan Uminom

Kung one pill lang ang nakalimutan at less than twenty four hours pa lang, inumin kaagad pag naalala. Continue as usual sa susunod na araw. Mas mataas ang chance ng pregnancy kapag sunod sunod na dalawang pill ang nalimutan kaya gumamit muna ng condom sa pitong araw.

Pwede Ba Sa Acne At Oily Skin

Oo. Maraming babae ang humihinahon ang acne at nag iimprove ang oiliness dahil sa formulation ng Diane 35. Kailangan lang consistent ang pag inom para makita ang full effect.

Kailan Hindi Dapat Uminom

Kung may history ng blood clots, stroke, matinding migraine o smoker above thirty five, kailangan magpatingin muna bago gumamit. Hindi ito recommended sa breastfeeding moms.

Reminder Sa Proteksyon

Kung hindi ka uminom sa tamang oras araw araw humihina ang pagiging effective ng pill. Mas safe pa rin kung may backup condom lalo na kapag may na skip na pill.

————————————————–

Naghahanap ka ba ng mapagkakatiwalaan at abot-kayang serbisyong pangpamilya sa pagpaplano ng pamilya sa Manila? Kung gayon, marapat mong tingnan ang Comprehensive Family Planning Center (CFPC) sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Kung kailangan ninyo ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya, maaari kayong maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming Health Facility Locator sa rh-care.info/providers. I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services sa loob ng sampung kilometro mula sa iyong lokasyon.