Ang aming Family Planning Facebook Group ay isang komunidad kung saan ang mga ibinahaging katanungan, problema, at karanasan ay pinakikinggan ng mga miyembrong magkakatulad ang mga kwento.
Isa si Mommy Rachel sa nagbahagi sa amin ng kanyang experience sa pagiging isang teen mom. Narito ang kaniyang kwento:Â
Paki-share po ang inyong experience bilang isang teen mom.
“At first, mahirap dahil po bata pa po ako at the age of 17 years old, nabuntis ako. Wala akong idea kung ano yung mga bagay na kakaharapin ko, wala akong idea sa pagiging isang nanay. Sobrang hirap nung time na nag lilihi ako, wala pang maayos na work yung partner ko, pero pinipilit niyang maibigay yung pangangailangan ko specially sa gatas at vitamins. That time, everytime na may monthly check up ako, sa mother-in-law ko lang nanggagaling yung pang check-up ko sa OB, dahil nga hirap pa kami, dahil hindi planado lahat at mga bata pa kami.Â
Hanggang sa nag-start ng mag apply ng bagong work yung partner ko at natanggap naman sya, dun nako nag start bumili ng pakonti-konting gamit hanggang sa makumpleto na mga kailangan namin ni baby. Nag-ipon na din ako ng pera para sa panganganak ko sa lying-in. Hanggang sa nanganak na po ako nakaraos sa tulong at suporta ng mga magulang at in-laws ko. Mas madami pa palang kakaharaping hirap at pagsubok after manganak. Pinilit ko maging breastfeeding mom para sa baby ko since ayaw din naman niya ng formula milk. Umabot din sa point na nagka-pospartum depression ako pero pinilit ko labanan. And andito na ko sa point na nakaraos ako. 17 years old nabuntis, turning 22 na next month 😊.”
Ano pong family planning method ang gamit ninyo ngayon at anong advice ninyo sa ibang mommies tungkol sa family planning?
“Pills po ang gamit kong family planning. Nakapag-try na ako ng isang brand ng pills pero hindi ako nahiyang, kaya nag-switch po ako sa Trust pills so far ok naman po. Hiyang naman ako 3 years na po ako user ng Trust pills this coming November.”Â
Ito naman ang maipapayo ni Mommy Mikaela sa mga soon-to-be mommies at mga katulad niya rin na teen moms:
“Sa iba pang soon-to-be mommies, teen mom man po kayo o hindi, sa una po sobrang hirap pero kaya niyo yan. Para kay baby, go lang! Wag din po ninyo kakalimutang mag pray palagi lalo kapag down na down na kayo sa kung ano mang pinagdadaanan niyo habang nagbubuntis kayo. Kaya niyo po yan. 💛 Stay healthy and safe. Laban lang.😘”
Tulad nina Mommy Mikaela and Mommy Rachel na may nais ibahagi, May kwento ako is your virtual heart to heart, #SKL, open forum, and safe space for productive discussions. Simulan natin sa karaniwang mga tanong na hindi pangkaraniwang pinag-uusapan.
Ang aming Health Facility Locator ay makakatulong sa inyong paghahanap ng malapit na pasilidad sa inyong lugar.
It’s time we break the taboo around sexual and reproductive health. May kwento ako starts the convo.
Ibahagi ang inyong mga karanasan (mahaba man o maikli) sa family planning, maternal health, HIV & STI, gender violence, at inyong kabataan. Ang inyong mga ipapadalang kwento ay maaari naming ibahagi sa aming website at social media.