Skip to content Skip to footer
"I really wanted attention but I never asked"

I lack attention because my parents are busy towards their work and my sick bro.

I always act mature towards my parents. During my teenage years, I really wanted attention but I never asked that to my parents instead I asked it towards my friends. I never went out to party and drink my parents were strict.

Now that I’m in my early 30’s I always ask attention to my bf. But I have to understand that both of us are busy.

Sent by ?

"I cheated on my 2 yr relationship"

I was diagnosed with depressive disorder way back in college… I was always curious that time that’s why I cheated on my 2 yr relationship… Luckily I didn’t had HIV because I didn’t practice safe sex with multiple partners… What bothers me most is me having a yeast infection…

Sent by May

"He get top on me and locked my hands above my head"

Trigger Warning: There’s mention of harassment

I admit na pasaway talaga ako noon at makulit some teachers complained about me dahil nga sa ako daw ang pinakapasaway sa amin. Dahil doon naging outcast ako pero binaliwala ko lang yung mga sinasabi ng tao sa akin. Puro paglalaro lang ang inaatupag ko noong time na iyon.

It was lunch break naglalaro yung mga ka-schoolmate kong mas bata sa akin ng isang taon ng doktor doktoran (It was just a small private elementary school na bawat grade ay iisa lang ang section) then pabibo akong sumali sa kanila at kunwari’y kokunsulta. Kaya ang ginawa ko humiga ako sa isang mahabang upuan na sakto lang sa akin. Tapos dumating iyong lalaki naming adviser he get top on me and locked my hands above my head.

Nagpupumiglas ako noon pero mas malakas sya sa akin pero nagawa ko pa ring makalaya sa hawak nya. Naalala ko noon tumatawa lang yung mga kaschoolmate ko sa akin na akala nila naglalaro lang kami but the hell. Grabe yung kaba ko umalis ako papalayo then nakita ko yung isa naming babaeng teacher nakita nya pala yung nangyari pero nakatingin lang sya sa akin ng confused.

Grabe yung tibok ng puso ko at di ko alam kung saan pupunta nagtatakbo lang ako nun hanggang sa marating ko yung main gate ng school. Nagulat ako ng makita ko yung multicab namin nandoon sila mama at papa may dinaanan lang sila noon sa principal’s office pero hindi nila alam ang nangyari. Tumakbo ako papalapit sa kanila naiiyak na ako that time sabi ko sa kanila gusto ko ng umuwi pero hindi sila pumayag kasi may klase pa ako. Pero di ako nagpapigil nagdadabog akong sinabi sa kanilang gusto ko ng umuwi umiiyak na ako noon pero ayaw nila akong pasakayin kaya sumakay ako doon sa likuran. Narinig ko pang sabi ni papa na “siguro may nangyari ditong masama”. Pero di ko alam kung paano sasabihin sa kanila hikbi nalang yung sinagot ko. But the most furious part is pinigilan nila akong sumama at pinababa ako at umalis na sila.

I was devastated that time sa loob-loob ko habang tinatanaw ko lang sila paalis. HOW COULD THEY DO THAT TO ME! I’m senior high now but naalala ko parin. Hanggang ngayon di ko alam kung alam nila ang nangyari pero di ko sinabi sa kanila until now. Kinalimutan ko nalang iyon at hindi ko naman din magawang magtanim ng sama ng loob sa mga magulang ko.

Sent by Kari

"Bago akong panganak when this happened"

Trigger Warning: There’s mention of harassment

Bago akong panganak when this happened. I was very petite, very small, as a girl haha so nung nabuntis ako, lumaki masyado yung chest ko to the point na it looks abnormal kase maliit lang akong tao tapos anlaki ng ano ko haha

I was at home. 1 month palang. Inutusan ako ng lola ko bumili ng rekados para sa lulutuin niya. Take note, ang suot ko pa was a shirt and leggings. This old man approached me and asked if nanganak na daw ako, sabi ko oo. I’m a naturally friendly person so tumigil ako para kausapin siya.

Hanggang sa napansin kong panay siyang tingin sa dibdib ko. And take note, full coverage ang suot kong shirt kase madali ako maligin. Baka daw kumapit sakin ang lamig sabi ng lola ko kaya palagi ako balot na balot noon. So i started putting distance and made excuses pa to leave early.

For days, he would strike up a normal casual conversation, etc. and di na naulit yung nakikitingin siya sa dibdib ko kaya i tried to be good again.

One day, pinigilan niya ako sa street and we started talking again. It was okay at first, he was telling me about when his sister got pregnant as well. And being a new mother, syempre talagang nakikinig ako. Until napansin kong sobrang lapit niya na and nararamdaman ko yung daliri niya na gumagalaw at hinihipuan ang dibdib ko.

As soon as i knew, i moved away and made excuses para makaalis agad. For days and weeks, palagi ko siyang iniignore. Pag nakikita ko siya, tumatakbo ako. I always catch him looking at me. But never again have i given him reason to approach me.

Never told anyone this kase baka masabing kasalanan kong kinausap ko siya.

Sent by J

"Suddenly kiniss na lang nya cheeks ko"

Trigger Warning: There’s mention of harassment

Here’s another story, I was working, then may tinanong ako sa workmate ko, then bigla pumunta sya sa likod ko, kinuha mouse ko para ituro yung tinanong ko, suddenly kiniss na lang nya cheeks ko.

Then frozen nalang ako, then balik sya kung ano ginagawa nya na parang walang nangyari. After non, di na nya ko tinigilan kulitin, and sobra syang naging touchy and lapit ng lapit sakin, nagsabi ako sa ibang workmates ko and nilalayuan sya kapag napansin kong papalapit na, hindi ko sinabi sa boss namin, kasi sobrang nahihiya ako sa nangyari.

Sent by J

"Sobrang pagod na ko non, kaya nasabi ko nalang: Kuya, yung kamay nyo po, paayos naman."

Trigger Warning: There’s mention of harassment

Normal na ata ang maka experience nito sa mga public transpo lalo na sa Metro Manila. One time, nasa UV ako from pamp to cubao, sa likod ako ng driver, then nakatabi ko guy, around 30-40?, then nung napuno na sasakyan and umandar na, napansin ko nalang na yung kamay ni kuya mejo dumidikit sa side ng breast ko, he keep on caressing my side breast kahit na nilalagay ko na book ko sa gilid while crossing my arm in front of my chest, and every time na mag sstraigh ako ng upo or sasandal, he keeps on following para mahawakan nya lang ako. First time ko non makaexperience non kaya mejo naiinis lang ako na kinakabahan.

The next is midnight na bus from cubao to my destination, tayuan na and sobrang siksikan na. Bandang harap na ako napunta pagpasok sa bus, then may nafeel na lang ako na parang may mainit sa lower part ko, e yung backpack ko syempre automatic na sa harap ilalagay, so di ko makita ano nangyayari sa baba. Nung una hinayaan ko lang, pero unti unti na syang lumalapit sa private part ko kaya tinignan ko na,, then nakita ko nalang na yung kamay nung matanda nasa inner thigh ko na. Sobrang pagod na ko non, kaya nasabi ko nalang kuya yung kamay nyo po, paayos naman. Tinignan lang ako nung mga nakarinig, then sabi ni lolo/tatay nasasagi ko lang.

Marami pa kong experince pero masyado na tong mahaba

Sent by J

↓
More Story Collections

We have over 200 story submissions at our #MayKwentoAko campaign page. If you have experiences you’d like to voice out, feel free to share your stories with us below!

If you need to locate a health facility near you, you can use our Health Facility Locator. For rescue resources and contact numbers, see this list.

May Kwento Ako
If you need to talk to someone, let us know and we'll call you.

By submitting this form, you are agreeing to our PRIVACY POLICY and consenting to publishing your story. You can revoke your consent to publish your story at any time by sending us an email through our Contact Us link below.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here