We at RH Care believe that family planning can help couples plan their lives better and secure a brighter future for their family. In order to help couples know more about family planning, we created a venue where men and women can ask for advice, share experiences and seek professional help regarding the proper use of family planning, our Family Planning Facebook group. With the group, we are able to build a community, help more mommies get to know their body, and which family planning method best suits them.
As the group grew, more and more mommies have shared with us their experiences and how family planning helped their families. Here are the stories shared by Mommy Mikaela and Mommy Bhaby.
Mommy Mikaela
Family Planning Method: Injectable User
Age: 18 years old
Kids: 1
Going two years na baby ko this coming July at almost ganun katagal na injectable user na din ako. Dahil since one month si baby nagpa-inject na agad ako. Para no worries at iwas sa unplanned pregnancy, sa unang inject ko oo masakit dahil sa turok at gamot pero mas keri kong indahin yung sakit o ngalay ng turok in 2-3days unless sa almost 9months kang pregnant. Bukod don laking tulong na may gamit tayong family planning o contraceptives lalo na sa case kong teen mom mahirap ng masundan agad si baby lalo na kung hindi ka pa handa physically mentally at lalo na financially.
Mommy Bhaby
Family Planning Method: Ligation
Age: 29 years old
Kids: 5
Base sa experience ko ngayon dahil sa kahahanap ni hubby ng baby boy. Then it came not once but twice. Dalawa baby boy ko and I have 3 girls. Nakaka upset talaga lalo na pag gumagala kami sa tricycle. Madaming nangbabash lalo na sa side ni hubby. Doremi daw anak ko which is 2 years agwat nila. Tapos nung matagal nila di nakita anak ko, which is malalaki na. Sabi nila maganda raw tignan lalo na malaki na. Ngayon ligated na ako at the age of 29 and I’m happy to have 5 adorable kids.
Both mommies, though their stories are different, experienced some struggles when they first started a family. So here’s their advice to couples regarding the use of birth control methods and starting family planning —
“Know the facts, Talk to your partner and (use the) Family Planning that fits you. Malaking tulong sa akin ang family planning not just to control birth pero kasi nakuha na namin yung inaasam namin (na) mga babies.
Kumbaga nagdecide na din kami ni hubby na enough na para mas matugunan namin yung mga needs nila at matutukan namin sila sa mga bagay na sinisimulan nilang idevelop at pag aralan.” – Mommy Bhaby
“For me pagka panganak ko agad sa baby ko plan ko na agad mag family planning para safe talaga dahil mahirap ng magtiwala sa natural way na withdrawal. Isa pa, nakakatulong din na mabigyan lalo natin ng atensyon at tamang way ng pag-aalaga yung baby natin once na naka contraceptives tayo dahil maiiwasan natin ma-buntis ng unplanned o sunod-sunod.
Hindi ako against sa mga mommies na maraming babies o sunod-sunod for me lang is mas okay na planado at alam natin na enough na yung kakayahan natin at ng baby natin na magkaron tayo ng bagong baby lalo na for me dahil nga teen mom ako.
Lesson na din sakin na anytime pwede kang ma-pregnant kung kelan mo gugustuhin at pwede mo din i-plan kung kelan mo na o niyo ng partner mo kaya physically mentally at financially sa tulong ng iba’t ibang uri ng contraceptives. Kaya for those mommies out there wag mag-alinlangan na gumamit ng kahit anong contraceptives dahil malaking tulong `to para sa atin din mismo.” – Mommy Mikaela
Tulad nina Mommy Mikaela and Mommy Bhaby na may nais ibahagi, May kwento ako is your virtual heart to heart, #SKL, open forum, and safe space for productive discussions. Simulan natin sa karaniwang mga tanong na hindi pangkaraniwang pinag-uusapan.
Ibahagi ang inyong mga karanasan (mahaba man o maikli) sa family planning, maternal health, HIV & STI, gender violence, at inyong kabataan. Ang inyong mga ipapadalang kwento ay maaari naming ibahagi sa aming website at social media.
We’re compiling approved submissions every week. Click here to read your submitted #MayKwentoAko stories.