Skip to content Skip to footer

Anons Shared Their Stories of the Time They Were Told to Keep Silent

Trigger Warning: There’s mention of harassment.

Browse through the stories submitted by anonymous senders through May Kwento Ako. Read how they were asked to keep mistreatment a secret.

Isa akong biktima ng sexual molestation nang boy na pinagtrabaho ng parents namin nun.

Siguro mga 7 or 8 years old ako nun nang sinimulang gawin sa akin ang inaakala ko nun na masayang gawin.

Unti-unti, narealize ko na mali ito pero natakot ako magsumbong dahil sa edad na yun na-guilty ako kasi nga nakakaraos ako nun.

Iyon din siguro ang dahilan bakit ako hirap makihalubilo sa mga kaklase ko nun habang lumalaki ako. Isinantabi ko ito, hindi pinagusapan.

Naishare ko lang ito sa aking asawa nung 2020 lang. Mag 40 na ako sa December 2021.

Kinukuwento ko ito para malaman ng iba na hindi tama ang ginawa sa kanila ng mas nakakatanda at wala silang guilt na dapat madama.

Pinatawad ko na lang sa puso ko ang taong gunawa nito sa akin at ang Panginoon na ang huhusga sa kaniya. Wala na akong balak pang paghahabla na gagawin pa.

Hahayaan ko na lang na maging aral ang aking karanasan sa mga magulang ngayon para paalalahan ang kanilang mga anak na maaari silang magsabi sa kanila openly kung may ibang taong gumagalaw sa maseselang bahagi ng katawan nila o kung ginagawa itong paghawak na nagdudulot ng di magandang pakiramdam pag ito’y ginagawa nang nakakatanda, maging pamilya man o kakilala.

“You cannot trust everyone, even your brother”

I’m a 12th grade student, and i had a “guy friend” which i only knew on twitter. We chatted and became each other’s “pampalipas oras” and by that, we sexted. One time, we’ve VC and little did i know, i saw my “half-brother” looking at me through the small window connected to our restroom.

Bad timing kasi kami lang dalawa sa bahay and then he confronted me who was that guy im talking to and i told him the truth. Even tho i should be angry sa Ginawa nya, i just kept quiet. He got my phone and scrolled through our chat and played “my videos” and he got horny.

He speaks to me as if he isn’t my brother, he speaks to me ng kabastusan like “gawin mo nalang sakin to” “ako nalang mag fifinger sayo” and di ko alam gagawin ko kasi naka tayo lg ako sa gilid nya, crying and scared. He just went in front of me and comforted me, hugging me and touched my butt, telling me that he will not tell my parents about it unless i will stop talking to that guy and sunurin lg yung gusto nya. So i stopped talking to that guy until he chatted me that i was lying kasi akala nya i was still talking to that guy.

My “brother” went to his house and then told me na “nandito ako sa labas ng bahay nya, baka gusto mo butasan ko tyan nya.” i was so scared and then i didn’t reply to him. He added “nandito sakin videos mo, gusto mo ikalat ko?” He blackmailed me. Di ko na pigilan, i told my closest friend about it and the only thing she said to me was to tell my parents.

But i ended up telling my mama at first she didn’t believe me, i’m not blaming her cuz i wasn’t the favorite daughter anyway.

Junior high ako nung umuwi sila mama at bunso kong kapatid sa probinsya. Kami lang ng kuya at papa ko ang naiwan sa bahay. Ako ang responsable sa mga gawaing bahay since bakasyon naman non.

Isang araw habang naglalaro ako ng psp, lumapit saken si kuya nakikinood habang naglalaro ako. Habang tumatagal papalapit nang papalapit yung kamay nya sa dibdib ko, i was grade 7 or 8 that time, clueless ako sa nangyayari ang alam ko lang sobrang sobrang hindi ako komportable non. Natatakot na ako pero hindi ko lang pinapahalata, tapos pinasok nya yung kamay nya sa loob ng shirt ko. Hindi ko alam yung gagawin ko, ilang minuto hindi ako makagalaw hanggang sa nag iba ako ng pwesto at pilit nya pa ring pinapasok yung kamay nya sa damit ko. Pagkatapos non umalis na ako pwesto ko, simula non hindi na ako nagpapaiwan pag kami lang dalawa. O kaya naman nasa taas ako ng double deck namin para hindi nya ako maabot para wala syamg dahilan umakyat don kasi kama ko yon.

Napaisip ako, elementary pa lang ako noon sa tuwing maglalaro ako ng psp tinatabihan nya ako para makinood sabay dahan dahan lalapat yung kamay nya sa dibdib ko. Akala ko normal lang yon, kaya hinahayaan ko lang kahit hindi ako komportable sa sitwasyon na yon.

Hanggang ngayon na college na ako, walang ka alam alam yung mga magulang ko sa nangyari noon. Natatakot ako magsabi baka kasi hindi nila ako paniwalaan kasi bata ako. Baka sabihin nila gumagawa lang ako ng kwento.

i was 10 years old nung umuwi ako sa bulacan for a vacation. i’m an only child and both my parents are working so i have no choice but to stay with my relatives alone.

“wag mong sasabihin sa mga tita mo ha?”
“bibigyan kita pambili mo ng candy, pag tapos”

these are the words my uncle said while touching me on my sensitive parts and caressing them. that time, i did not know what to do. i thought he just did it accidentally. i was 10. i was a child. ang tagal tagal na nung nangyari ‘yon pero ngayong matanda na ako at may isip, palagi akong hinahabol ng memories ko hanggang sa pag tulog. my parents did not even knew that something like this happened and i became distant. i blamed them because if it weren’t for their work, hindi sana to nangyari sakin. pakiramdam ko, ngayong may isip na ako at nasa legal age na, pakiramdam ko ang dumi dumi ko. ang bigat bigat kapag naaalala ko. ang tagal na pero takot na takot parin ako at pakiramdam ko sa sarili ko wala na akong worth bilang isang babae. with just a touch, parang nawalan ako ng respeto for myself.

Before, sumama ako sa lakad ni mama. I was 11 years old that time. Wala rin namang maiiwan sa akin sa bahay noon, so she had no choice but to take me with her.

Then medyo malayo pala yung pupuntahan, kaya kailangan namin mag train. Nandoon kami sa train station, pumila si mama para bumili ng ticket. Naghintay lang ako doon sa isang tabi.

And then napansin ko, mayroong lalaki na nakatingin sakin. Tapos after a few minutes, lumapit siya sa akin. Akala ko may itatanong lang or what, but I was so shocked. He touched my chest. Nanginginig ako noon hanggang makabalik si mama.

Then parang nahalata ni mama na ang tahimik ko, sinabi ko nalang na gutom na ako, kahit hindi pa. Natatakot kasi ako sabihin yung totoo.

And take note, I was just a kid back then. Up until now, that memory frightened and scarred me.

It was three years back then when I had my most traumatic encounter of sexual harassment. I was a junior high school student way back then and kilala ako bilang conservative type of person. Now, there was this male teacher who had a daughter with a similar face to mine. Idk why, but everytime I meet his gaze, I see his look– full of lust and I tended to ignore it at first. The first time he harassed me was when he passively touched the part under my underarm, and I felt his hand touching me when I was busy sitting down and operating the computer. Napabalikwas ako ng wala sa oras and I tend to ignore it.

The second time around, I saw him taking candid photos of me when I wasn’t looking, napansin ko lang when a friend of mine approached me, and mas lalo akong na creep out. This has happened many times to the point na natatakot na ako pumasok sa sub nya.

Another experience was when he pretended to drop something near my table, and much to my surprise, his hands moved up to my upper thighs. Agad akong umiwas and he just laughed. Sobrang takot ko nun.

The last incident was the reason why I have haphephobia today. One time, I went inside our laboratory to get my belongings kasi lunch time na. I was the only one left on the room as my last classmate hurried and left me behind. Little did I know, nasa likod pala sya ng pisara. When I was alone, he jokingly said na gusto niya daw akong halikan. And then all the chills run down my spine and I froze sa may doorway. And bilis niyang na lock ang pinto ng lab, and I stood there frozen. My biggest mistake. And he kissed me— without my permission. After then, he just smiled and said, first kiss moko? Bumalik na yung senses ko and I hurried away from there. Hindi ako pumasok kinabukasan.

Never did I open this up to anybody kasi natatakot ako kung anong mangyayari sakin. Today, because of him, I suffered a lot. Hindi na ako open for other people to touch me, including my family members as well. And I am still disturbed by endless nightmares of that incident.

Shs ako noon nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa isang amusement park. Pumasok kami sa isang horror house, nagkadikit dikit yung mga tao sa loob dahil medyo masikip.. madilim din non di ko nakikita ang mga tao tapos nararamdaman kong may humahawak sa ibaba ko, kaharap namin sya.

nung una hindi ko pinansin kasi kako baka hindi naman sadya pero ilang beses nangyari.. lumalayo ako nun doon sa tao na yon pero di ako makalayo nang husto dahil magkakapit kami ng kaibigan ko at may mga tao rin sa likod ko. Inabangan ko hanggang paglabas namin para malaman ko kung sino.. lalaki sya, hindi ko alam kung ilang taon pero naaalala ko naka mavy blue shirt sya, medyo malaki ang katawan.

Hindi ko nasabi sa mga kasama ko, hanggang ngayon graduating na ako ng college wala pa rin akong napagsabihan dahil takot akong maakusahan na kasalanan ko, na baka mali lang ako.

Hanggang ngayon iniisip ko kung dapat ba nagsalita nalang ako kaso wala naman kasi akong ebidensya pero sigurado na ako na hinawakan nya talaga ako.

Nangyari ‘to sa first week ng first job ko. It was a busy day. Punuan sa LRT 1. I’ve got to squeeze myself in para di ako ma-late. Sobrang daming tao,especially men.

Noong umandar na ‘yong train, naramdaman kong may humawak sa hita ko. Nagsawalang bahala ako kasi baka natabig lang or something. I really hoped and prayed na hindi ako mababastos noon pero hindi. I am wearing long sleeves and pants pa.

Naalala ko pa kung paanong ‘yong kamay napunta sa crotch ko. Sobrang nagpanic ako. Iyak ako nang iyak habang tumitingin sa likod ko kung sino ba ‘yon?

Then yung isang Chinese guy na malapit sa pinto ng train, (hindi ko siya katabi) napansin niya yata at kahit hirap siya tinapik niya yung shoulder ko hanggang sa matigil akong umiyak.

Noong grade 8 ako I have this male teacher noong mga una ang bait bait niya sa lahat pero madalas siyang magalit sa mga lalaki na kasama namin sa journalism class.

Madalas magkaroon ng kulitan sa classroom bigla siya mang-aakbay sa iba pero nung sa akin na iba na ginawa niya he grope my breast while he is laughing like its nothing in that time all i know is nakakatrauma dumikit sa lalaki di ko naman makwento sa kapamilya ko kasi ayoko silang mag worry di ko din mashare sa kaibigan ko kasi nahihiya ako, ilang weeks ako tulala dahil dun.

I thought naka move on na ako ngayon pero hindi pa pala

Ginalaw ako ng mga pinsan ko noong 8y/o ako, hanggang ngayon, di ko pa sinasabi s mga kamag-anak ko. Baka kasi mag simula n nmn ng gulo, at ayoko n ng gulo.


#MayKwentoAko

If you have experiences you’d like to voice out, feel free to share your stories with us below.

If you need to locate a health facility near you, you can use our Health Facility Locator. For rescue resources and contact numbers, see this list.

May Kwento Ako
If you need to talk to someone, let us know and we'll call you.

By submitting this form, you are agreeing to our PRIVACY POLICY and consenting to publishing your story. You can revoke your consent to publish your story at any time by sending us an email through our Contact Us link below.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here