Kasabay ng saya ay ang bigat ng responsibilidad ng pagiging isang nanay. Basahin ang mga ibinahaging salaysay sa #MayKwentoAko ng ilang mga ina, mula sa kanilang pagbubuntis at ang kanilang tungkulin sa pamilya.
PRINCESS: Ang first baby ko is unexpected kasi pumalya ako sa pag inom ng pills. Kakapanganak ko lang nung April 8, 2020. Akala ko madali lang lahat pero di pala biro. Sa gastos, pagod, at puyat pero nakakatuwa naman kasi blessing siya samin. Natuto na ko, nag-injectables ako ngayon para di na muna masundan si baby. 20 yrs old pa lang kasi ako kaya sana humiyang sakin ang family planning na napili ko.
RONA: Sa totoo lang ang hirap pag breast-feeding ka. Andun yung palaging gutom, palaging uhaw, at nakakangayayat! Yun ang nararanasan ko ngayon! Pero dahil mas makakabuti yung pag-breastfeeding ka sa baby mo, ayun ang ginagawa ko. At dahil breast-feeding ako, hindi pako dinadatnan ng menstruation. Maiiwasan ko muna ang magbuntis! Yung iba kasi na hindi nag-breastfeed ng baby, maaga dinadatnan ng menstruation kaya mabilis mabuntis. Ako kasi ayoko munang magbuntis agad dahil Cesarean ako dalawa kong anak. #Maykwentoako #SKL
JHENNIE: Hi I’m Jhennie. Hindi porket 5 na ang anak ko ay pababayaan ko na ang sarili ko. We need to be more confident in ourselves nowadays. Self care is important for us.
ANNACEL CA: Isa po akong teenage mom, breastfeeding since day 1. Hindi po ako nagplano na i-mix baby ko, hiyang naman siya sakin. 1 year and 5 months na baby ko at makulit na siya. Kahit kinakagat niya nipple ko ok lang kasi love ko siya. Hirap pag breastfeeding mom kasi palagi kang gutom at pagod.
NOVA: Sa panahon ngayon na pandemic, lagi ako may takot na baka isang araw magkasakit ako at ang baby ko. Lagi nag aalala at natutulala sa mga problema. Sunod na dagok ang dumating samin simula pa nung pumutok ang bulkang Taal.
Naging mahina na ang hanapbuhay, wala na turista dumarating dahil sa takot. Nung kabuwanan ko, halos gabi-gabi umiiyak ako dahil wala kami naipon at natigil ang hanapbuhay. Tanging kinapitan ko na lang ang Diyos at asawa ko na ibibigay ng Diyos ang taong makakatulong samin. Hindi nman ako nabigo.
Naging masalimuot man at puno ng pagsubok ang panganak ko, nariyan kailangan pa ako masalinan ng dugo na ang hirap hanapin. Hindi ako bumitaw sa Panginoon at tanging dasal lang ang kinapitan ko. Sa awa ng Diyos naging maayos din ang lahat. Panghawakan lang natin ang pag-ibig ng Diyos satin at pagmamahal natin sa ating anak. Dasal at wag mawalan ng pag asa. Ibigay mo lang lahat sa Panginoon at Diyos na ang bahala. Laban lang…
👩
Tulad nina mommy na may nais ibahagi, May kwento ako is your virtual heart to heart, #SKL, open forum, and safe space for productive discussions. Simulan natin sa karaniwang mga tanong na hindi pangkaraniwang pinag-uusapan.
It’s time we break the taboo around sexual and reproductive health. May kwento ako starts the convo.
Ibahagi ang inyong mga karanasan (mahaba man o maikli) sa family planning, maternal health, HIV & STI, gender violence, at inyong kabataan. Ang inyong mga ipapadalang kwento ay maaari naming ibahagi sa aming website at social media.
We’re compiling approved submissions every week at the #MayKwentoAko page. Continue scrolling below to read your submitted stories.