Skip to content Skip to footer

May Kwento Ako: Moms on being moms

Episode 4.

Moms, kaya pa?

Because May Kwento Ako submissions have been about all things reproductive health, moms sent in their stories, too. And here’s what they had to say.

Isa po akong teenage mom, breastfeeding since day 1.

Hindi po ako nagplano na i-mix feeding ang baby ko since hiyang naman siya sa’kin. Kaya 1 year and 5 months na baby ko, kahit makulit na siya at kahit kinakagat niya nipple ko, okay lang kasi love ko siya.

Hirap pag breastfeeding mom kasi palagi kang gutom at pagod.

Mag-4 years old na ang anak ko. Nung unang 2 years di naman mainitin ulo ko, pero nung nagsimula na yung kakulitan niya nitong nakaraang taon, feeling ko ang iksi-iksi ng pasensya ko sa kanya. Andami ko nabasa dito sa forum na same sa experience ko ngayon like madali uminit ang ulo, maiksi ang pasensya, feeling ko wala na akong “ME TIME”.

Nandito ang mother ko at kapag ganun ang mga nangyayari sakin na scenario, lagi niya akong kinokontra. Ine-explain ko sa kanya yung about sa postpartum depression pero hindi niya naiintindihan yung pinagdadaanan ko. But why? Kasi di nya napagdaanan yon? O napagdaanan niya pero di nya alam na yun yon.

Sa totoo lang, ang hirap pag breastfeeding ka. Andun yung palaging gutom, palaging uhaw, at nakakangayayat! At yun ang nararanasan ko ngayon!

Pero dahil mas makakabuti yung pag-breastfeeding ka sa baby mo, ayun ang ginagawa ko. At dahil breastfeeding ako, hindi pa ako dinadatnan ng menstruation. Maiiwasan ko muna ang magbuntis!

Yung iba kase na hindi nag-breastfeed ng baby, maaga dinadatnan ng menstruation kaya mabilis mabuntis. Ako kase ayoko munang magbuntis agad dahil Cesarean ako dalawa Kong anak ❤

I have been open to the fact that being a parent of teenagers, I have to let them be open minded too. Lalo na napaka-taboo nito sa ating society. Awareness is the key ika nga.

Pills user po ako…

Ang dati kong gamit ay Trust pills for 5 years dahil ayokong magbuntis at masundan talaga ang panganay namin. Gusto nga namin isa lang ang anak para mas mabigyan ng magandang buhay at naaasikaso din.

Sa higit limang taon ko sa Trust napakamainitin ng ulo ko sobra. Halos ung panganay ko napagbabalingan ng init ng ulo moody ako. Natiis ko sya ng limang taon dahil ayoko talaga syang masundan hanggang sa dalawang buwan akong straight na hindi nagkaroon. Nagtaka na si lip ko bakit hindi pa ako nagkakaroon hanggang sa nagtanong siya sa mga kakilala niya kung saan sila nag papa check (o.b.).

Nagpa-check up ako at yun nga, nagkaproblema sa ovaries ko pero hindi daw dahil sa pills. Dahil sa naging irregular ang mens ko at sobrang dami daw. Dahil both ovaries ko nagkaproblema, niresetahan ako ng gamot at nag second opinion din kami.

Sa second opinion namin ganun din. Pinag-papsmear ako at luckily walang kung ano man sa matress ko. Bumalik ako sa una kong o.b at pinabasa ko din sa kanya papsmear ko at okay naman daw. Binibigyan nya ako ng pills na pang fertile pero suddenly hindi nya ko na convince 😁😁 Binigyan nya na lng ako ng gamot at kailangan ko daw mag exercise at diet.

Sa 6 na buwan na gamutan ko, hindi ko expected na magbubuntis ako. Wala akong ginagamit na family planning that time dahil nag-mamaintenance ako ng gamot. Nung nalaman kong buntis ako, nagpa-check up agad kami sa malapit na lying in dito sa amin at grabe napaka selan ko nun.

Nag-bed rest ako nung nanganak ako. Nagpunta agad ako sa center at nagtanong kung anong magandang bf pills at sinabi nga nila na i-take ko ang Exluton. Binibigyan ako sa center pero inayawan ko dahil sabi ko bibili na lng ako, ibigay nyo na lng po yan sa mas nangangailangan.

For 6 months na Exluton walang init ng ulo. Napaka-fresh ko, laging nasa tabi ko si hubby. After 6 months hininto ko din sya dahil kailangan ko ding asikasuhin ang panganay ko.  Nag-Marvelon naman ako at wala syang side effect sa akin kundi sumasakit lang ang ulo ko kapag meron ako. For 2 1/2 years ko na syang iniinum ang maganda sya para sa akin 😊😊


#MayKwentoAko

Anong kwento mo? Scroll below to tell your story and start the convo. If you need to locate a health facility near you, you can use our Health Facility Locator.

May Kwento Ako
If you need to talk to someone, let us know and we'll call you.

By submitting this form, you are agreeing to our PRIVACY POLICY and consenting to publishing your story. You can revoke your consent to publish your story at any time by sending us an email through our Contact Us link below.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here