Skip to content Skip to footer

Buntis ka ba? Alamin kung paano gumamit ng pregnancy test.

Watch the pregnancy test kit instructions.

Tiyakin po kung ikaw ay buntis sa paggamit ng pregnancy test. Sinusuri nito ang iyong ihi kung mataas ang HCG o Human Chorionic Gonadotropin hormone nito. Kung ito ay nabasa sa iyong ihi, congratulations po at kayo ay nagdadalang tao!

Inirerekomenda na gamitin ang pregnancy test pagkagising sa umaga. Ihanda ang pregnancy test, dropper, at pansalo sa ihi. Pagkatapos, maghugas ng kamay at saluhin ang iyong ihi sa lalagyan. Gamitin ang dropper sa pagkolekta ng ihi mula sa lalagyan, at tatlong beses na ipatak ito sa pabilog na bahagi ng pregnancy test. Maghintay ng ilang minuto depende sa nakasaad sa instruction manual ng iyong pregnancy test kit. Hindi dapat magkulang o lumagpas sa nakasaad na oras.

Ang pagbasa ng pregnancy test ay nakabase sa mga linyang lilitaw rito. Kung lumabas ang linya sa tabi ng “C” o “control”, ibig pong sabihin ay sapat ang nailagay na ihi at gumagana ang iyong pregnancy test. Kung may lumabas naman na isa pang linya sa tabi ng “T” o “test”, kayo po ay buntis, malabo man o malinaw ang linya.

Positibo? Ipaalam ang resulta sa inyong OBGYN para kumpirmahin at masimulan ang iyong prenatal labs.

Bisitahin ang aming Maternal Health page para alamin ang tungkol sa prenatal care at gamitin ang aming Health Facility Locator upang makahanap ng malapit na pasilidad sa inyong lugar.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here