Skip to content Skip to footer

May Kwento Ako: Shirt Stories By Sexual Harassment Survivors

Clothes ≠ Consent

Tap on a name to find each person’s survival story submitted through May Kwento Ako. Read how their everyday clothing played a role in their unfortunate stories. See what they mean by clothing is not consent.

Trigger Warning: There’s mention of harassment.

Nangyari po ito nung birthday ko way back 2017.

My shift on that day was changed to 12pm to 9pm. Sumakay po ako ng jeep, sa bandang tabi ng jeepney driver.

After ilang minuto may sumakay sa tabi ko na lasing so napausog ako ng konti sa driver. I was busy looking at my phone when I felt that the driver is touching my left leg. Kinikiskis nya yung likod ng palad nya. Tapos nung tumingin ako sa kanya, tumingin din siya sakin tapos ngumiti nang parang nakakaloko.

P.S I’m wearing a loose polo shirt and black pants.

grade 7

i was 12, my classmate was 13

he thought it would be funny to touch me without my permission in the classroom. i kept on telling him to stop and he continued doing it.

he even slut shamed me for wearing a mini skirt

now he’s still studying in the same school i’m in

now he’s my classmate

i will never get justice

I was 4 or 5 years old. I still remember that pink cute shorts that I am wearing when my playmate’s older brother touched me down there.

Nagsumbong ako kay Mama pero hindi ako napansin kasi it was my Lolo’s funeral. Kinukulit ko si Mama na nangyari talaga yon pero busy sila. Hindi ako nabigyan ng chance na makitang pinapagalitan yong gumawa sa akin nun.

Masakit para sa isang batang katulad ko. Everytime na nakikita ko yong lalaking yon naninindig yong balahibo ko. Nagagalit ako. Naiiyak ako. Sa murang edad naranasan kong tingnan yong sarili ko bilang isang maduming tao.

Nung elementary ako kinukulong ako sa cr ng mga kaklase kong lalaki. Hinahawakan at saka hinahalikan. Para sa kanila nakakakilig yon. Pero para sakin pakiramdaman ko binaboy nanaman ako. Hindi nako nagsumbong kasi sabi ko kakalimutan ko na lang.

Hanggang ngayong malaki nako naninindig pa rin yong balahibo ko sa mga mamang dumadaan o lalaking nagpapakita ng interes sa katawan ko. Umiiyak ako kasi pakiramdaman ko hinuhubaran ako habang naglalakad. Tuwing nararamdaman kong may tumititig sa akin bumabalik yong time na yon nung bata ako. 😭

Babae ako. Pasko no’n, 2018. Nasa tapat ako ng bahay namin, nakaupo lang sa upuan na nando’n. Naka-shirt at leggings na lagpas tuhod nang tabihan ako ng kapitbahay naming lasing at biglang hawakan nang mahigpit yung legs ko. Inalis ko ang kamay niya at tinulak ko siya. 18 na ‘ko no’n, kayang protektahan ang sarili, pero nakaka-anxious.

Pumasok ako sa bahay namin para hindi na niya ako magulo. Nasa taas lang sila mama at papa. Pumasok siya bigla sa bahay, at dahil nakaupo ako sa upuan sa loob ng bahay, nagkaroon siya ng pagkakataon na iharang yung dalawa niyang arms para hindi ako makaalis sa pagkakaupo. Gets n’yo ba :< Hinawakan niya yung magkabilang arm rest ng upuan para hindi ako makaalis doon. Nilapit niya yung mukha niya. Hindi ko alam kung sisipain ko ba o sasaksakin gamit yung kung anong matulis na bagay malapit sa kinauupuan ko. Nung malapit na yung mukha niya at hindi ako makagalaw dahil sa takot at pagkamuhi, bigla niyang sinabi na mahal niya ‘ko. Nasa 40+ na siya. Nakakadiri. Wala akong magawa, umiiyak na ako no’n kasi wala akong magawa. Bigla lang siyang lumabas ng bahay namin. That day, akala ko marerape na ako o mahahalikan ng manyak na ‘yon. Nakakatakot.

Binalewala ko na lang dahil talagang malapit ako sa mga anak niya. Malapit ako sa lahat ng mga bata sa lugar namin. Hindi ko nagawang magsumbong kay papa, kasi susuntukin niya lang ‘yon o kung ano pang bayolenteng reaksyon. Ayoko ng gano’n, baka mapasama pa siya. Hindi ko magawang magsumbong sa pulis, kahit na maraming batas na mangangalaga sa akin. Wala nang nanay yung mga anak niya, nakakaawa kung lalaki pa silang walang tatay. In short, wala akong nagawa bukod sa pag-akyat sa bahay namin at pag-iyak maghapon nung Pasko na ‘yon.

Minsan, sinisisi ko ang sarili kung bakit may naging biktima pa siya kasunod ko. No’ng araw na iyon din, pagkatapos kong tumahan sa pag-iyak, kumalat yung balita na binugbog siya nung isang lalaki naming kapitbahay. Nahuli kasi no’n yung lalaki na pinagsasamantalahan yung kapatid niyang mentally-challenged. Hindi ako naaawa dun sa manyak kahit na duguan siya pagkatapos no’n kaya galit na galit yung panganay niyang lalaki na mas matanda sa akin ng ilang taon. Naiinis ako sa sarili ko kasi kung nagsumbong ako agad, hindi niya na iyon magagawa sa ibang mga babae pa. Nakakainis kasi hanggang ngayon, 2021, wala pa rin akong napagsasabihan ng nangyari. At ang pinakanakakabahala sa lahat, marami siyang anak, at hindi yun puro lalaki.

Nangyari ‘to sa first week ng first job ko. It was a busy day. Punuan sa LRT 1. I’ve got to squeeze myself in para di ako ma-late. Sobrang daming tao,especially men.

Noong umandar na ‘yong train, naramdaman kong may humawak sa hita ko. Nagsawalang bahala ako kasi baka natabig lang or something. I really hoped and prayed na hindi ako mababastos noon pero hindi. I am wearing long sleeves and pants pa.

Naalala ko pa kung paanong ‘yong kamay napunta sa crotch ko. Sobrang nagpanic ako. Iyak ako nang iyak habang tumitingin sa likod ko kung sino ba ‘yon?

Then yung isang Chinese guy na malapit sa pinto ng train, (hindi ko siya katabi) napansin niya yata at kahit hirap siya tinapik niya yung shoulder ko hanggang sa matigil akong umiyak.


#MayKwentoAko

If you have experiences you’d like to voice out, feel free to share your stories with us below.

If you need to locate a health facility near you, you can use our Health Facility Locator. For rescue resources and contact numbers, see this list.

May Kwento Ako
If you need to talk to someone, let us know and we'll call you.

By submitting this form, you are agreeing to our PRIVACY POLICY and consenting to publishing your story. You can revoke your consent to publish your story at any time by sending us an email through our Contact Us link below.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here