Karamihan sa mga family planning method na mayroon sa merkado ay para sa mga babae. Iinumin, ituturok o ipapasok sa katawan ng babae. Ngunit paano naman ang mga ama ng tahanan hindi ba?
Bukod sa Condom, maaari rin akuin ng mga kalalakihan ang responsibilidad sa pagpaplano ng pamilya sa pamamagitan ng method na Vasectomy.
Ang Vasectomy o male sterilization ay isang permanenteng family planning method. Narito ang ilang sa mga dapat mong malaman tungkol sa method na ito.
- Pinuputol ang daanan ng sperm cell, para hindi ito makalabas ng katawan ng lalaki at sumanib sa itlog ng babae.
- Ang method na ito ay 99.8% effective.
- Ito ay isang out-patient procedure na tumatagal ng 20 minuto.
- Magiging ganap lamang ang bisa nito sa loob ng tatlong buwan matapos ang procedure.
Ano ano naman ang mga advantages ng Vasectomy sa inyong magasawa?
- Dahil ito ay isang permanente ng method, wala ka ng kailangan inumin or gawin pa pagkatapos ng procedure. Tandaan lamang na magiging ganap ang bisa nito sa loob ng tatlong buwan matapos ang procedure.
- Mawawala na ang kaba na maaari kang mabuntis.
- Hindi na rin kailangan ang withdrawal dahil wala ng punla na makakabuntis ang lalabas sa lalaki.
- Hindi nakakaapekto ang Vasectomy sa libido, orgasmo o ejaculation ng lalaki.
- Mabilis ang recovery period nito. Maari ka na makapasok sa trabaho kinabukasan.
Tandaan lamang na ang Vasectomy ay permanente. Siguraduhin na buo ang iyong loob na ayaw mo na talagang magka-anak bago ka sumailalim dito.
******
Kung kailangan po ninyo ng serbisyo ng family planning, maaari kayong maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa inyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming HEALTH FACILITY LOCATOR.
I-input lamang ang inyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services sa loob ng 10 kilometro radius mula sa inyong lokasyon.