fbpx
Skip to content Skip to footer

Anong pills ang pwede sa mga breastfeeding moms?

Progestin-only Pills or Combined Oral Contraceptive Pills?

Kung ang bata ay purely breastfed hanggang 6 na buwan, inirerekomenda sa breastfeeding moms ang Progestin-only Pills or P.O.P. tulad ng Daphne, Exlution, and Cerazette. Ang Progestin-only pills ay hindi nakakabawas o nakakaapekto sa gatas ng ina. Samantalang ang Combined-Oral Contraceptive Pills o COC ay maaaring makabawas sa gatas ng ina, kung kaya’t hindi ito nirerekomenda sa mga purely breastfeeding moms. Para sa dagdag na kaalaman, ang POP ay naglalaman ng 28 tablets na dapat inumin sa tamang oras araw-araw. Maaaring irregular o hindi dumating ang period habang naka POP.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iba’t ibang uri ng birth control pills at sa tamang pag-inom nito, bumisita lamang sa rh-care.info.

Kung kailangan mo ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya, maaari kang maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming HEALTH FACILITY LOCATOR.

I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services  sa loob ng 10 kilometro radius mula sa iyong lokasyon.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here