Skip to content Skip to footer

More of your anonymous letters sent to #MayKwentoAko

💌

Our May Kwento Ako campaign continues to read out your stories often left unseen. See hundreds of your anonymous submissions on our main page or continue scrolling below to read some of the words you’ve always wished to say out loud.

Trigger warning, these stories mention harassment.

I have two kids and simple life and small happy family ❤️

I was 5-6 years old, naiwan sakin magbantay is yung kamag anak ko (malayong pinsan) dahil bata pinapatulog ko tuwing tanghali. So nandoon kami sa higaan na may cover na kurtina, habang pinalatulog nya ako, nilabas nya dila nya at inoffer nya na magdilaan kami, bilang bata ako, ayun pumatol ako, para syang french kiss, pero less the kiss. Puro tongue fight. Up until now i find it sobrang disturbing.

Maliit pa ako,may ampon Yung lola ko na lalaki so we treat him as a family member na. Sya madalas nag hahatid saamin ng mga pinsan ko sa school Kasi may motor Sya,bilang nag iisang babae saamin mag pipinsan nun ako lagi ang pinauupo nya sa harapan ng motor. Pinauupo nya saakin Yung private part nya and Minsan umuungol pa Sya hahahaha.

Hindi lng un kababuyan na ginawa nya saakin at sa pinsan ko. Takot kami mag sumbong Kasi baka mag kagulo lng,we always keep our mouth shut even tho we can out loud what he did on us.

uso ba to? HSHHAHSHAHAHAHHAHAH bata pa ko and I’m currently talking to someone who’s older than me, he’s 18.

halos lahat ata ng tungkol sakin at sa buhay ko alam na niya, he’s kind, parang lahat kaya niyang gawin para sakin. para siyang superhero kaso hindi ko naman kailangang mailigtas, para siyang prince charming kaso hindi naman ako prinsesa. he helped me heal, suicidal ako at depressed. he made me realized that my life is worth it, that I am worthy. he made me feel loved, cherished and safe. parang kapag kausap ko siya, magiging maayos lahat. parang kapag sinabi niya, magiging totoo.

I don’t know if I already love him or not and it scares me. hindi dahil baka masaktan ako, baka iwan ako, baka lokohin ako o biglang mawala. I’m scared of the idea of love, I’m scared of loving. hindi ko alam kung paano, hindi ko alam yung gagawin ko. but I want to hold him still, I want to be with him. I want to fulfill all my dreams with him beside me. tsaka hindi ko din kayang iwan, hindi ko siya kayang bitawan. kahit maglakad ako papalayo, kahit isang hakbang lang, kahit tumakbo pa ko, kahit anong mangyari, babalik at babalik ako e.

ang hirap lang kasi parang sobrang dali para sa kanyang iwan ako, ang dali ko din kasing balikan. pero wala e, isang paliwanag niya lang, isang sorry niya lang, kahit nga wala na, papatawarin ko siya at tatanggapin pa rin. I’m confused, mahal ko na ba? ganito ba yung pakiramdam magmahal? ganito ba yung mga naiisip mo pag nagmamahal ka? paano ba kasi magmahal? anu-ano yung mga mararamdaman mo? kilig? saya? sakit? ano pa? ang dami ko nang nabasang love stories pero hindi ko pa rin alam kung ano, ang gulo. pero mahalaga siya, sobra.

I hope someday, I can finally say I love him. kahit bata pa ko at wala pang gaanong alam sa buhay at pag-ibig, kahit sabihin man nilang nag-iilusyon lang ako o nababaliw, I can risk it all for what we have. for him, always.

Vacation that time, then Naisipan ng ate ko na ayain ako sa apartment nila, dun daw muna mag stay sa kanila ng ilang week. Ako nmn masyang masaya syemre mensan ko n LNG Makita ate ko. Then after ilang days napansin ko na parang nakikipag close si kuya(asawa ni ate), ok nmn para maka sundo Kami. Tapos syemre tanghali non natutulog LNG ako since wla nmng gagawin tapos Kala ko nanaginip LNG ako may humahawak sakin diko mapigilan KC sa panaginip ko nakatali ako umiyak nako non buti n LNG at nagising ako tas nagulat ako NASA tulogan- nko nila kuya. Like tha f? Pano nangyari Yun, Sabi nya nag sleep will daw pero Di ako naniniwala I know na hinawakan nya ako.

Pag katapos non tinawagan ko papa ko na uuwi nko . Diko sinabi Kung bakit pero sinabi ko n LNG n nabbore ako sa sa bahay nila ate. At simula din non Dina ako pumunta dun. Kit pa nga inaaya ako. Natakot nko eh.

Grade 7 student ako noon nung umalis ang mama ko upang mangibang bansa. Ako lamang ang nag-iisa niyang anak at naiwan ako pati ang papa ko rito sa Pilipinas. Ilang bwan na ang dumaan at ayos naman ang pamumuhay namin.

Isang umaga, sabi ng papa ko ay payakap pero nagulat nalang ako sa kadahilanang habang nasa mga bisig niya ako, dahan-dahan nang naglalakbay ang kamay niya sa katawan ko. Nakakadiri,. Para bang walang katapusang paghihilod ang ginagawa ko sa banyo palagi. Nakakapagod. nakailang ulit at nagyong nasa seniyor high na ako, baon ko pa rin ang lihim na ito. kailan man ay wala akong balak na sabihin ito sa mama ko. Una, mas mahal niya ang papa ko at handa siyang piliin yun nang paulit-ulit. Pangalawa, hindi sapat ang lakas ng loob ko.

Ilang taon na ang lumipas pero dama ko pa rin ang bakas ng mga nakakadiring palad niya. Ilang taon na rin ang lumilipas na para bang walang nangyare sa pagitan namin. Humaharap kaming tatlo ni mama at papa sa hapag na para bang isang normal na pamilya.

I was in grade 4 that time, nakikitira kasi ako sa tita ko since both of my parents are ofw. So ayun yung anak ng tita ko ay dalawang lalake that time. Yung panganay niya ay same age as me mas matanda lang ako ng months. Pag natutulog kami ng tanghali. I feel his hands around my body I thought nung una it was just a dream hangang sa naulit ng naulit. Hindi pa ako nagsumbong nun since I’m scared kaya nung kinuha ako ng lola ko sumama ako.

Grade 8 nung bumalik ako sa kanila para mag-aral since hindi na kaya ng lola ko. Naulit ulit yun since magkaiba kami ng room at sa room ko naka tambak mga damit nila. He start roaming his hand around my body and sometimes I feel himself at my back. Nag sumbong na ako this time but eventually nobody believes me.

Hindi niya daw magagawa yun kasi matalino daw siyang bata. Gawa gawa ko daw lahat and they even physically abuse me. Kaya ayun di na ulit ako nag kwento. Nagkikita pa kami nun. Nakakasama lang ng loob kasi ok lang sila samantalang ako gabi gabing binubulabog ng nakaraan


#MayKwentoAko

Makibahagi sa usapan, feel free to share your stories or read more of your submissions below.

If you need to locate a health facility near you, you can use our Health Facility Locator. For rescue resources and contact numbers, see this list.

Made with Padlet

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here