UNFPA’s Mother’s Day special with Center for Health Solutions & Innovations Philippines, Inc., Philippine Educational Theater Association (PETA), and Department of Health (Philippines).Â
Ngayong nasa gitna tayo ng COVID-19 Crisis, lahat ay doble ingat para hindi mahawa sa virus na ito. At dahil sa mga batas na ipinapatupad ng ating gobyerno, katulad ng social distancing, curfews, pagsasara ng ibang establisyamento at pagbawal sa mga pampublikong sasakyan, malamang marami sa mga nanay na buntis ngayon ang nag-aalala para sa kaligtasan ng kanilang baby kapag sila ay manganganak na.
Kaya naman para masigurado ang kaligtasan ni baby, naglabas ng ilang mga paalala ang Department of Health:
PARA SA MGA NANAY:
Planuhin mabuti ang inyong panganganak kasama ang inyong doktor o midwife. Alamin ang mga dapat ihanda, dapat gawin at mga safety protocol na kailangan sundin sa ospital o health facility na inyong pag-aanakan. Ito ay para handa kayo sakaling dumating na ang oras ng inyong panganganak.
PARA SA MGA BARANGAY:
Siguraduhing may masasakyan ang mga manganganak papunta sa birthing facility o ospital. Dahil limitado ngayon ang transportasyon, kailangan laging handa ang mga barangay para tumulong sa mga manganganak upang kanilang ligtas na mailabas ang kanilang baby.
PARA SA LOCAL NA PAMAHALAAN:
Panatilihing bukas ang mga birthing clinics at hospital maternity wards. Sa kabila ng COVID-19, dapat masiguro na bukas at handa ang mga birthing clinics at maternity wards upang tanggapin at pangalagaan ang mga manganganak.
Kung ang bawat isa sa ating komunidad ay magkakaroon ng kooperasyon at magtutulungan, masisiguro natin ang kaligtasan ni baby sa panahon ng COVID-19 Crisis!
* * * * *
Kung ikaw ay nangangailangan ng pangangalaga tulad ng prenatal, panganganak at postnatal care, maaari kang maghanap ng mga doktor, bahay-paanakan at ospital na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming HEALTH FACILITY LOCATOR. I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Maternal Care Services” at mag-click sa search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga klinika na nangangalaga sa mga ina sa loob ng 10 kilometro radius mula sa iyong lokasyon.