Ubos na ba ang pills na iniinom mo? Kailangan mo na ba bumalik para sa iyong turok ng injectable? Gusto mo na ba magpakabit ng implant? Nais mo bang magpalit ng family planning method? O di kaya naman maguumpisa ka pa lang mag family planning at kailangan mo ng konsultasyon?
Dahil sa krisis na hinaharap ng buong mundo, karamihan sa mga kababaihan ay nawalan ng access sa mga produkto at serbisyo na para sa kanilang reproductive health. Huwag mag alala dahil sa kabila ng COVID-19 krisis, bukas pa rin ang mga health facility ng mga baranggay kung saan libre ang konsultasyon at ang mga family planning methods.
Maaari ka ring kumunsulta sa POPCOM Helpline sa papamamagitan ng pag messenge sa kanila sa Facebook o pagtawag sa kanilang official helpline numbers na 09617432337 (Smart) and 09272998764 (Globe).
Bukod pa dito, maari kang bumisita sa rh-care.info para sa mga kaalaman tungkol sa reproductive health, kabilang na ang family planning, maternal health, gender-based violence at STI and HIV. Kung nais mo namanng kumunsulta sa isang healthcare professional, mag message lamang ng inyong mga katanungan sa MissedPill by RH Care Info Facebook Page at sasagutin namin ito.
Kung kailangan mo ng serbisyo ng family planning, maaari kang maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming HEALTH FACILITY LOCATOR. I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services sa loob ng 10 kilometro radius mula sa iyong lokasyon.