Kung gusto mo talagang magpa-ligate o magpa-female sterilization, pwede yan! Tandaan mo lamang na ang tubal ligation ay isang permanenteng paraan ng family planning or contraception. Kailangan ng operasyon upang isara ang mga fallopian tubes ng isang babae. Isinasara ito sa pamamagitan ng pagputol at pagtali ng dalawang fallopian tubes ng babae. Take note na pinuputol ang falllopian tubes at hindi lamang ito tinatali. Kapag sarado na ang fallopian tubes, hindi na makararating ang itlog ng babae mula sa obaryo patungo sa matris at hindi na ito ma-fertilize ng sperm.
Ikaw ay protektado ng RPRH Law!
Ang RPRH Law o Reproductive Health and Responsible Parenthood Law ay isang batas na naglalayong tiyakin ang karapatan ng mga kababaihan sa Pilipinas na magkaroon ng access sa mga serbisyong pangreproductive health.
Ang tubal ligation ay para sa lahat ng mga babae na:
- Walang anak o konti lang ang anak
- May asawa o wala. Hindi kailangan ng permiso ng asawa
- Bata pa man basta nasa legal age na 18 years old pataas. Ibig sabihin ay walang age limit.
- Kakapanganak lang (within the past 7 days)
- Nagpapasuso
- May HIV, kahit na mayroong gamot na antiretroviral therapy o wala
Kahit anong sitwasyon mo, may option kang magpa-ligate!
Ang pagpapa-ligate ay isang empowered na choice na available sa lahat ng kababaihan. Walang pinipiling status sa buhay, bilang ng mga anak, o kahit na kakapanganak mo lang. Kaya kung yan ang gusto mo, don’t hesitate to talk to your healthcare provider. Sila ang magsasagawa ng counseling at tutulong sa’yo mag-decide nang maayos.
Maari pa bang i-reverse ang tubal ligation kung ang isang babae ay nagpasyang gusto niya ng isa pang anak?
Generally, hindi. Ang purpose ng tubal ligation ay maging permanenteng paraan ng family planning. Yung mga gustong magkaroon pa ng mga anak ay mas mabuting pumili ng ibang paraan ng family planning. May mga pagkakataon na posible na i-reverse ang tubal ligation sa ilang mga babae – yung mga may natitirang sapat pa na fallopian tube. Pero kahit sa mga babae na ito, hindi madalas maging successful o mabuntis pagkatapos ng reversal ng ligation. Mahirap at napakamahal ang prosesong ito, at bihira ang mga doktor na marunong gumawa ng ganitong operasyon. Kapag naging successul ang reversal ng tubal ligation, mataas ang risk ng ectopic pregnancy.
Tandaan: Pwede kang tanggihan ng doctor sa principle ng “conscientious objector”. Usually ang mga Filipino doctors ay tumatangging mag-ligate ng mga batang babae, single, o may isa o dalawa pa lamang ang anak. Yan ang realidad dito sa Pilipinas.
Ang “conscientious objector” ay isang tao na may “conscientious objection” o konsensiyang pagtutol sa pagtupad ng isang partikular na gawain o responsibilidad base sa kanilang moral o relihiyosong paniniwala. Sa konteksto ng reproductive health, isang “conscientious objector” ay isang healthcare provider na hindi sumasang-ayon sa pagbibigay o paggamit ng mga serbisyong pangreproductive health, tulad ng pagpapa-aborto, ligation o pagbibigay ng mga iba pang contraceptive methods, dahil sa kanilang mga paniniwala o moral na prinsipyo.
Ang “conscientious objector” ay may karapatan sa kanilang konsensiyang pagtutol, subalit may mga patakaran at regulasyon na dapat sundin para matiyak na hindi ito magiging hadlang sa pagkakaloob ng serbisyong pangreproductive health sa mga taong nangangailangan. Sa ilang mga batas o patakaran, maaaring mayroong mga alternatibong manggagamot o institusyon na siyang mag-aasikaso sa mga indibidwal na nagiging “conscientious objectors” upang matiyak na hindi maapektuhan ang pagkakaloob ng serbisyo sa mga nangangailangan.
Ang konsepto ng “conscientious objection” ay may mga legal at moral na mga isyu na kaakibat, at dapat itong maipahayag at malinaw na maipakita sa tamang paraan, na may respeto at pang-unawa sa iba’t ibang pananaw at mga karapatan ng iba’t ibang indibidwal.
Naghahanap ka ba ng mapagkakatiwalaan at abot-kayang serbisyong pangpamilya sa pagpaplano ng pamilya sa Manila? Kung gayon, marapat mong tingnan ang Comprehensive Family Planning Center (CFPC) sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.
Kung kailangan ninyo ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya, maaari kayong maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming Health Facility Locator sa rh-care.info/providers. I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services sa loob ng sampung kilometro mula sa iyong lokasyon.