Dahil sa sabay-sabay na ang pagod, puyat, kawalan ng ‘me-time’, mga dagdag na responsibilities at stress na nararanasan ng mga new mommies, hindi na rin nakapagtataka kung bakit marami sa kanila ay nakakaramdam ng halo-halo at pabago-bagong emosyon pagkatapos manganak. May mga pagkakataon na lumalala ito, hindi nawawala at nagdudulot ng Postpartum Depression.
Para mas maintindihan natin kung ano ba talaga ang pakiramdam nito narito ang ilang mga kwento ng mga mommies na naka-experience ng Postpartum Depression na aming nakuha sa Family Planning Facebook group ng RH Care Info:
“Ang hirap magkaroon ng Postpartum Depression. Laging mainit ulo ko tapos maldita (ako) tapos pag nasasabihan ni mister mo iiyak ka na lang. Yun bang gusto mo na lang umiyak ng umiyak, tapos tutulala ka. Masaya ka pag ibang tao kaharap mo per pag wala ka ng ibang kasama, tutulo na lang bigla luha mo.”
“Kapag umiiyak po yung baby ko, nagagalit ako. Feeling ko wala akong kwentang ina, sinisigawan ko siya noon. Palagi din mainit ang ulo ko. Kapag nagagalit ako inaaway ko yung asawa ko ‘saka yung mga tao dito sa bahay. Feeling ko worthless na ako. Since nagkaanak ako, super depressed ako, umiiyak ako tuwing gabi tska madalas may naalala akong nakakalungkot” – CaiRichelle
“Simula ng magkaanak ako, laging mainitin ulo, laging galit, biglang umiiyak ng walang dahilan, kung ano-ano naiisip na masama sa sarili. Gusto tahimik lang, yun bang ayaw mo ng kausap (at) mabilis magalit.” –
Jean
Dahil na rin sa tulong at pag-intindi ng kanilang pamilya, unti-unti silang nakakarecover at nakakabangon.
“After ilang days pagkatapos kong manganak, feeling ko nababaliw ako at feeling ko nag iisa ako sa lahat. Although kasama ko naman ang asawa ko at hindi nagkulang sakin sa pag-aalaga. Feeling ko na mababaliw ako at laging malungkot na hindi maintindihan. Pray lang at self love talaga makakahelp sayo. Isipin mo na lang baby mo at ipag-pray mo na lang lahat kay God.” –
Khate
“Lahat ng malalapit sakin inaaway ko dati. Asawa ko hinihiwalayan ko ng wala namang dahilan. Dumating din sa point na gusto ko na ipa-ampon anak ko at magpakamatay na lang ako. Pakiramdam ko lagi akong mag-isa. Grabe, galit at sama ng loob lagi ang nangingibabaw sa akin. Bigla na lang akong naiyak lalo sa gabi at para bang wala na akong nararamdamang happiness. Yung tipong parang patapon na buhay ko. Minsan ding pumasok sa isip kong patayin ko ang anak ko ng di ko maipaliwanag ang dahilan. Thanks God ‘di niya ako hinayaang makagawa ng masama lalo sa anak ko. Sobrang hirap na tipong akala mo nababaliw ka na. Kaya naaawa ako sa mga dumadaan sa ganito at di kinaya na minsan nagagawa pang masaktan loved ones nila. Sa awa ng Diyos, binigyan niya ako ng asawa na handang damayan ako at never akong sinukuan.”
“(Naranasan ko ito) lalo nung kakapanganak ko lang kasi first time mom ako, kung ano anong naiisip ko para bang feeling ko di pa ako ready magkaanak. Gusto ko pa ngang ipaampon noon eh, pero nilabanan ko and nag pray lang ako kay God. Ngayon, di na ako masyadong nag-iisip ng nega(tive). Then dinadamayan din ako ni mister.” – Angelika
“Minsan kapag umiiyak si baby nakatulala lang ako. Minsan may mga naiisip akong masamang bagay. Lagi akong nagagalit, sumisigaw. Parang gusto kong umiyak. Salamat sa Diyos at nalampasan ko ang mga ganito. Kasi madami akong nakakausap dito. Puro sila kalog kaya laking tulong nito.” – Brenda
“Nakatulong sa akin yung paggawa ng plano at pag-iisip ng mga plano habang lumalaki ang baby ko. Nag libang-libang din po ako, nag online business po ako. Ang tip ko lang sa mga Mommies na nakakaranas din ng Postpartum Depression, yung kailangan po makahanap din sila ng mapaglilibangan. Ma-divert yung attention nila.” – CaiRichelle
Hindi talaga madali ang pinagdadaanan ng mga mommies na may postpartum depression. Kaya naman importante sa mga bagong panganak na magkaroon ng Postnatal check-ups, para masigurado na maayos ang kanilang kalagayan.
Para sa inyong Maternal health needs, bumisita lamang sa RH Care Info para sa free online counseling!
* * * * *
May kwento ako is your virtual heart to heart, #SKL, open forum, and safe space for productive discussions. Simulan natin sa karaniwang mga tanong na hindi pangkaraniwang pinag-uusapan.
It’s time we break the taboo around sexual and reproductive health. May kwento ako starts the convo.
Ibahagi ang inyong mga karanasan (mahaba man o maikli) sa family planning, maternal health, HIV & STI, gender violence, at inyong kabataan. Ang inyong mga ipapadalang kwento ay maaari naming ibahagi sa aming website at social media.