Skip to content Skip to footer

Paano ba Mapipigilan ang Maagang Pagbubuntis?

Ang Pilipinas ang isa sa bansang may pinakamataas na bilang ng mga teenage pregnancy sa Asya.

U4U Teen Trail by POPCOM, DOH, UNFPA and CHSI

Mahirap ang magbuntis. Sabi nga nila, ang mga buntis raw, ang isang paa ay nasa hukay na. Ngunit alam mo ba na mas delikado pa ito para sa mga kabataang babae? Ang mga batang nasa edad 10 hanggang 19 taong gulang ay mas mataas ang tsansa magkaroon ng mga sumusunod na komplikasyon sa kanilang pagbubuntis:

  • Mataas ang tsansa na makaranas ng eclampsia o pagtaas ng blood pressure.
  • Mababang timbang ng sanggol pagkapanganak.
  • Maagang paglabas ng sanggol bago pa ang kabuwanan nito.
  • Maaring mayroong malubhang karamdaman ang sanggol paglabas.
  • Maaring magkaroon ang mga ina ng systemic infections at puerperal endometritis.

Hindi lamang sa kalusugan may malaking epekto ang maagang pagbubuntis. Pati na rin sa magiging buhay ng batang ina at ng kanyang anak. Kadalasan, ang mga kabataan na maagang nabubuntis ay hindi nakatatapos ng kanilang pag-aaral na maaring magdulot ng pagkasira ng kanilang buhay.

Ayon sa World Health Organization (WHO), sa isang taon, tinatayang 12 milyong kabataan ang nabubuntis sa buong mundo. At, 777,000 sa mga ito ay nasa edad 15 taong gulang pababa.

Paano nga ba mapipigilan ang maagang pagbubuntis?

Maaring itong maiwasan at mabawasan sa tulong ng programang isinusulong ng CHSI, Commision on Population (POPCOM) at UNFPA na tinatawag na U4U. Layunin ng U4U na makipagugnayan sa mga kabataan sa buong Pilipinas upang maturuan sila tungkol sa mga pagbabagong nangyayari sa kanilang katawan, paano ingatan ang kanilang sarili at tulungan sila na madiskubre ang kanilang mga kakayahan.

Kung ikaw ay nangangailangan ng pangangalaga tulad ng prenatal, panganganak at postnatal care, maaari kang maghanap ng mga doktor, bahay-paanakan at ospital na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming HEALTH FACILITY LOCATOR. I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Maternal Care Services” at mag-click sa search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga klinika na nangangalaga sa mga ina sa loob ng 10 kilometro radius mula sa iyong lokasyon.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here