Skip to content Skip to footer

Ang Tamang Pag-inom ng Pills para sa First Timers

Siguraduhing hindi kayo buntis bago uminom ng pills.

Paano ang tamang pag-inom ng Oral Contraceptive Pills?

Kung first time pa lamang kayong iinom ng pills, ipinapayo naming magpa-check up muna kayo sa midwife, nurse, o doktor. Aalamin po ng mga nabanggit na health workers kung maaari ang pills sa kasalukuyang kalusugan ninyo at tuturuan nila kayo kung papaano ang tamang pag-inom ng pills.

Sa mga pagkakataong walang available na health workers sa inyong lugar, ganito po ang tamang paggamit ng Oral Contraceptive Pills:

Una, siguraduhing hindi kayo buntis bago uminom ng pills.

Pangalawa, ang tamang pag-inom ng pills kung first timer po kayo ay sa unang limang araw ng regla ninyo. Safe na kapag nag-umpisa kayo sa mga araw na ito at hindi na kailangang maghintay ng pitong araw bago makipagtalik.

Pangatlo, maaari rin namang mag-umpisang uminom ng pills kung tapos na ang inyong regla. Kung nag-umpisa po kayong uminom ng pills pagkatapos ng inyong regla, kinakailangang maghintay ng pitong araw bago makipagtalik, o gumamit muna ng condom sa loob ng pitong araw upang maiwasang mabuntis.

Pang-apat, inumin ang pills araw-araw at sa parehas na oras. Pagkaubos, umpisahan ang susunod na pakete ayon sa instructions para sa klase ng pills na inyong iniinom. Nakasulat po sa instruction leaflet ang tamang pag-inom ng pills.

Tandaan, kapag hindi tama ang pag-inom ng pills, nababawasan o nawawala ang bisa nito, at malaki na ang chance na mabuntis.  Para sa listahan at presyo ng mga pills sa Pilipinas, pumunta sa ating website sa rh-care.info/pills-prices.

Kung kailangan ninyo ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya, maaari kayong maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming Health Facility Locator sa rh-care.info/providers. I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services sa loob ng sampung kilometro mula sa iyong lokasyon.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here