Skip to content Skip to footer

SAFE SEX sa Panahon ng COVID-19 CRISIS​

Ligtas bang makipagtalik ngayong may COVID-19? 

Dahil sa COVID-19, karamihan sa atin ay nakalagi lamang sa ating mga bahay dahil sa lockdown. Ang pananatili sa bahay ay ang isa sa pinaka epektibong pamamaraan upang hindi na lumaganap pa ang virus. Dahil dito marami sa atin ang naghahanap ng iba’t ibang paraan upang maaliw ang ating mga sarili. Isa na sa mga tanong ng nakararami ngayon ay, ligtas bang makipag-sex o makipagtalik sa panahon ngayon? Naipapasa ba sa pagtatalik ang COVID-19? 

Kaya naman kinausap namin si Dr. Edwin Bien, MD, FRIAMD, founder ng LeBIEN Medical Wellness Group & Affiliates, para bigyang linaw ang mga katanungang tungkol dito.

TANONG: Ligtas ba makipagtalik ngayong may COVID-19?

Dr. Edwin Bien: 

Sa panahon ngayon na halos ay naka-lockdown ang buong kapaligiran at pinagbabawalan ang mga taong lumabas ng kanilang bahay, marami ang dumaranas ng pagkabagot, stress at tensiyon. Pinagbabalingan tuloy ng mga tao ang pakikipagniig sa kanilang mga kabiyak. Kung wala naman kayong pareho ng mga sintomas ng Covid infection (PUM) o hindi naman kayo exposed sa mga taong infected (PUI), ay wala kayong dapat ipangamba. Subalit kung ang isa sa inyo ay may senyales o sintomas ng impeksiyon, makabubuti ay mag-ingat at obserbahan ang social distancing ng 2to 3 meters apart. Kung maaari ay humiwalay muna kayo ng tulugan at mag self-quarantine ang naturang kabiyak.  

TANONG: Naipapasa ba sa pakikipagtalik ang COVID-19?

Dr. Edwin Bien: 

Wala pang ebidensiya na ang naturang virus ay naisasalin sa semilya ng lalaki o vaginal secretions ng babae. Ngunit dahil ang virus ay naihahawa sa pamamagitan ng salivary droplets, maaaring makahawa ang isang infected or “super spreader” (mga taong may virus ngunit wala pang sintomas) mula sa kanilang laway o pagbahing.  Dahil ang pakikipagtalik ay kadalasang may kahalong paghalik sa isat-isa, mas makabubuting iwasan muna ito kung mayroon pinagsusupetsahan na infected person.

TANONG: Ano ang kinokonsiderang ’SAFE SEX’ sa panahon ng COVID-19? Sino ang ligtas na pwede makipagtalik sa kabila ng virus?

Dr. Edwin Bien:  

Ang sinasabing ‘safe sex’ ay ang pakikipagtalik lamang at ekslusibo sa iyong kabiyak o permanenteng kapartner. Dahil kadalasan ay kasama naman natin sila sa iisang bubong o bahay, alam rin natin ang kanilang sexual history at health condition. Sila ang mas ligtas na katalik dahil alam natin kung siya ay nag-oobserba ng monogamiya at walang ibang makukunan ng sexually transmitted infections. May mga tao naman na mas pinipili ang pag-gamit ng ‘sex toys’ upang makaiwas sa iba na posibleng infected na. Maaari din naman ito hanggat ito ay nilinis ng tamang disinfectants. Nakita sa mga pag-aaral na ang sinasabing virus ay maaaring matagpuan sa mga metal, plastic, goma, tela at iba pang gamit sa bahay.

TANONG:  Ligtas ba makipagtalik sa mga taong bago mo lamang nakilala sa panahon ng COVID-19? 

Dr. Edwin Bien: 

Ang pakikipagtalik sa taong bago pa lamang nakikilala or ‘casual sex’ ay hindi magandang kaugalian o makabubuti sa ating kalusugan. Ito ay dahil hindi rin natin alam ang kanilang mga nakaniig nuon pa man at may mga sakit na maaring makahawa kahit lumipas na ang mahaba-habang panahon o tinatawag na sexually transmitted diseases. Sa panahon na tinaguriang pandemic ang Covid19, ay lalo tayong dapat mag-ingat dahil ang virus na ito ay maaaring kumitil ng ating buhay. 

TANONG: Mapoprotektahan ba ako ng condoms laban sa COVID-19 pag ako ay nakipagtalik?

Dr. Edwin Bien:  

Ang pag gamit ng condom ay isa sa paraan ng pag kontrol sa dami ng pamilya at sinasabing makatutulong rin na huwag maihawa ang piling mga mikrobyo. Ngunit ang Covid19 ay hindi pa napapatunayan na lumilipat sa semilya kaya’t hindi ito masasabing tamang proteksiyon. Dahil sa magkalapi o magkadikitt ng katawan ang taong nagtatalik, at kadalasan ay may kasamang pakikipaghalikan, maari pa ring makahawa ang taong infected ng virus mula sa kaniyang laway.

TANONG: Paano kung  may sakit o nakakaramdam ng ibang sintomas ang aking asawa/partner? 

Dr. Edwin Bien: 

Makabubuting alamin natin ang ibig sabihin ng PUM at PUI. Ang mga taong may nararamdamang sintomas ng Covid19, o mga taong exposed sa mga nag-positibo sa Covid19 testing ay pinapayuhang mag self-quarantine at lumayo sa kanilang mga kapartner sa loob ng 2 hanggang 3 linggo upang huwag makahawa.

TANONG: Kapag ba ako ay nakipagtalik sa may COVID-19 ay mahahawa din ako?

Dr. Edwin Bien: 

Dahil napakataas ng transmission rate o paglipat ng virus sa iba mula sa taong infected ng Covid19, ipinapayong ipagpaliban muna ang pakikipagtalik sa mga ito. Maaaring hindi lahat ay may sintomas agad-agad kaya’t makabubuti na ang sobrang pag-iingat. Ang bawa’t isa ay pinapayuhang maging responsible lalo na sa ating pamilya at mga mahal sa buhay. 

Huwag kalimutan ang mag Family Planning sa panahon ng krisis. Ngayon ito higit sa lahat na kailangan upang masigurado ang kinabukasan ng inyong pamilya at maiwasan ang gma hindi planadong pag bubuntis.  Alamin ang mga pamamaraan ng  Family Planning.

EDWIN A. BIEN, MD, FRIAMD is a proud graduate of UST Faculty of Medicine & Surgery. He is a member of the Philippine Medical Association and the Chamber of Herbal Industries Philippines. He is a Fellow of the Royal Institute of Alternative Medicine in Singapore and the American College of Lifestyle Medicine.  He has written books and articles to promote the fusion of Eastern and Western approach to health. He is an active practitioner and advocate of Wellness, Homeopathic and Integrative Medicine and shares his expertise thru his regular TV and radio programs. He founded LeBIEN Medical Wellness Group & Affiliates.

If you need family planning service, you can search for FP Providers near you by using our HEALTH FACILITY LOCATOR. Simply input your location, then select “Family Planning Services”  and click on the search button. The results will show the health facilities providing family planning within a 10 kilometer radius from your location.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here