Skip to content Skip to footer

Tamang Paraan ng Paggamit ng Pregnancy Test

Click the play button to watch the video.

Maraming nalilito kung kailan at paano ba dapat gamitin ang pregnancy test. Simple lang dapat ang proseso pero minsan nagkakamali dahil mali ang timing o hindi nasunod ang instructions. Gawin natin itong mas klaro para sa iyo.

Kailan Pinakatamang Mag-test

Pinakamaganda ang accuracy kung maghihintay ng at least one week delay. Kapag delayed ka na ng seven days mas mataas ang chance na makita ng PT ang pregnancy hormone. Pwede ka pa ring mag test kahit five to seven days after ovulation pero mas mataas ang risk na mag negative kahit buntis pala. Mas accurate pa rin kapag may delay na.

Paano Ihanda ang Sarili bago Mag test

Gamitin ang unang ihi sa umaga dahil mas concentrated ito. Huwag uminom ng sobrang dami ng tubig bago mag PT dahil puwedeng lumabnaw ang hormone at mag cause ng maling result. Ihanda ang timer at basahin ang instructions ng brand na gamit mo dahil iba iba ang waiting time.

Tamang Paggamit ng PT

Buksan ang test kung ready ka na. Ihi diretso sa test strip o gamitin ang dropper depende sa instructions. Ilagay sa flat surface at hintayin ang tamang oras usually three to five minutes. Huwag basahin nang mas maaga at huwag din sobra tagal dahil puwedeng maglabas ng maling line.

Pagbasa ng Resulta

Kung may dalawang colored lines kahit faint positive iyon. Kapag isang colored line lang negative. Mag ingat sa evaporation line dahil ito ay faint gray hindi colored at lumalabas kapag sobra tagal bago basahin ang test. Evap line means invalid na ang reading. Kung positive ka puwedeng ulitin after one to two days para mas makita ang pag darken ng linya. Simulan ang folic acid at magpacheck sa healthcare provider.

Kung Negative Pero Feeling Mo Buntis Ka

Ulitin ang test after three days. Minsan mababa pa ang hormone kaya hindi pa pick up ng test. Kung paulit ulit na negative at delayed ka pa rin magpatingin para ma evaluate nang maayos.

Mga Dapat Tandaan

Laging sundin ang tamang oras ng pagbasa. Gamitin ang unang ihi sa umaga para sa best accuracy. Huwag mag rely sa PT kung sobrang aga pa ng testing. At kapag may duda pa rin magpacheck para siguradong tama ang impormasyon.

————————————————–

Naghahanap ka ba ng mapagkakatiwalaan at abot-kayang serbisyong pangpamilya sa pagpaplano ng pamilya sa Manila? Kung gayon, marapat mong tingnan ang Comprehensive Family Planning Center (CFPC) sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Kung kailangan ninyo ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya, maaari kayong maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming Health Facility Locator sa rh-care.info/providers. I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services sa loob ng sampung kilometro mula sa iyong lokasyon.