Tap on a name below to read an anonymous story shared about unwanted attention. Trigger warning, there’s mention of harassment, pedophilia. Our May Kwento Ako campaign encourages anyone to tell their stories and open conversations least talked about.
Simulan natin sa karaniwang mga karanasang hindi karaniwang pinag-uusapan.
- "Alone"
- "Peyy"
- "W"
- "Square"
- "Syd"
- "Elle"
Sweet ako sa tatay ko noong bata pa ako. OFW sya kaya palagi talaga ako naka-hug tuwing uuwi sya. 10years old ako noon, nakahiga ako sa kwarto, pumasok tatay ko, ni-lock ung pinto. Ako naman wala lang, hindi ko alam kung bakit nya ni-lock. Maya-maya pa, tumabi sya sa akin, sinimulang hawakan breasts ko. Akala ko normal lang un, hinayaan ko lang kasi sabi nya ok lang daw un. Pero wag ko raw sasabihin sa iba. Naniwala naman ako, dahil siguro bata pa ako. Hanggang sa umabot na sa ibang maseselang bahagi ng katawan ko.
Ilang taon din yun sa tuwing umuuwi sya from abroad. Habang tumatagal, napapaisip na ako kung normal ba un, hindi kasi ako comfortable. Then 1st year HS ako noong hindi na ako pumayag sa mga ginagawa niya. Itinigil naman nya.
Until now hindi ko makalimutan yun, at galit pa rin ako. Pilit kong kinakalimutan at magpatawad, pero hindi ko kaya. Wala akong pinagsasabihang iba, kasi wala rin namang mangyayari at baka ako pa ang lumabas na masama dahil hinayaan kong molestiyahin ako. Saka wala rin namang makakaunawa sa pinagdaanan ko at nararamdaman ko.
Grade 4 ako non hindi ko aakalaing ang pinsan ko at magnanasa nang masama sa akin siya at 4th Yr. Highschool.
Habang nasa kwarto kami nang lola namin bigla niya lang akong dinaganan, punong puno ng pagnanasa at hinihipo niya bawat parti nang aking katawan at saka hinalikan. Dahil sa aking pagpupumiglas nakaahon ako sa kamay ng isang rapist.
Hindi man niya nakuha ang aking pagkababae nananatili naman ang trauma na aking na experience hindi ako lumalabas nang bahay sa takot na makita niya ako. Sinabi ko to sa mga magulang ko pero d.nila maintindihan.ang aking pinagtapat sinabi lang na, “natural lang yan halikan ka kasi pinsan mo yon, nakikipaglaro”.
Mula noon hindi na ako nag oopen up kasi.hindi din.naman.bukas ang kanilang isipan..habang lumalaki ako nahihirapan akong makibagay sa mga kalalakihan ..naiiyak ako pag akoi pinopormahan kasi feeling ko ganun din ang kanilang gagawin sa akin..pinapatawad kona.ang aking pinsan magsilbi sana itong pangbukas kaalaman sa mga magulang na kampante sa kanilang mga family members.
I’m fresh grad and working sa isang kilalang factory around cavite. Nangyari to 2 days ago, around 4am dahil graveyard shift ako sa trabaho. Lahat ng ka-office mate ko tulog na that time. So I have no choice kundi maging mulat dahil baka may dumating na deliveries. As expected meron nga, so I have to inform my male co-worker about it kasi sila ang natitimbang sa dala ng supplier. That exact male co-worker have been presko around me. Always touching my neck or minsan touch my hand without my permission. Nanlalaban naman ako but this time, it got worst nung time na i-inform ko na siya about the deliveries, my gut feeling tells me that this guy is nakainom. Tama nga hinala ko na nakainom siya.
Akala ko okeh na dahil nasabi ko na yung about sa deliveries but no, sinundan niya pabalik sa office and hinila braso ko to look at him. After nun I thought okeh na, sinundan niya pa din ako hanggang makabalik sa loob ng opis at tumabi sakin. I felt scared that time kasi he’s observing my every move and looking at me. Tinatatagan ko loob ko nun, sinusungitan ko siya if he’s asking me questions hanggang sa dumating sa point na hinihila niya na yung upuan ko para mas mapalapit sa kanya, tumayo na ko para malayo distansya ko siya pero after nung akala ko titigil na siya at umupo na ko ulit. Pilit niya kinukuha kamay ko sa over-sized sleeve ng jacket ko but I’m still refusing. Hanggang sa nagpapapansin na naman siya sakin. Seconds passed napagdesisyon ko na lumabas ng opis at sa c.r na lang muna magstay dahil I feel unsafe around him lalo’t tulog mga kasama ko.
Till now na ka-shift ko siya I still feel frightened lalo’t pag-graveyard shift kami dahil walang mga bantay or supervisors.
Kaya if you felt uncomfortable around someone touching nor verbally saying vulgar words na gusto gawin sayo. That’s a form of harrasment, wag mo isasawalang bahala. Tell your parents or seek professional help.
Habang lumalaki ako ilang beses na akong naging victim ng molestation both sa kuya ko at sa mga nagiging kakilala ng lola ko. I thought at first it was okay na para bang laro laro lang.
Everytime that I close my eyes at alalahanin yung mga kahalayan na nangyari sakin naiiyak nalang ako at nanginginig sa takot. Biruin mo ba naman yung unang kumuha ng innocence mo yung kuya mo pa and surprisingly enough nasa isang bahay parin kayo nakatira. I tried na sabihin ‘to sa mom ko pero nothing happened ang sakit ng wala man lang nangyaring hustisya. Nagkukunwari nalang akong okay sa set-up namin ngayon kaso ang sakit talaga ng nararamdaman ko kapag tumitingin ako sa muka niya.
Naulit ito sa asawa ng babysitter namin nung hinalikan niya ako sa likod ng bahay nila. Nagsumbong ako sa babysitter namin at alam niyo ba sinabi niya? That it was a sign of greeting and that it meant that I was beautiful. I was really naive back then and nakakagalit lamang na ganun yung ginawa nila sa akin.
When I was 16 nagsumbong rin sakin yung pinsan kong babae na gumising siya na nakapatong sakanya yung kuya ko so I tried to fight for her kinausap ko mom at grandmother ko pero wala parin. I was reminded with how powerless I am sa bahay na ‘to. Hanggang ngayon ay may galit parin ako sa mga taong nagbaliwala sa mga naranasan ko, ng mga ibang kapatid ko, at ng pinsan ko. Akala ko kasi talaga basta family sila matatakbuhan mo eh I trusted them to keep us safe pero galit nalang talaga meron ako at disappointment kapag naiisip ko ‘to.
At 17 nadiagnosed ako with depression mostly dahil dito sa bagay na ‘to. Not only did it traumatized me pero nadamay pati yung mga naging relationship ko sa ibang tao. Nagkaroon ako ng trust issues and I can’t commit to anything. I thought adults should help yung mga nakakabata pero nakakadismaya lang na gantong nilalakaran nating mundo. Blood is not always thicker than water.
Mahilig akong kumanta noong bata pa ako, kasali ako sa choir ng simbahan namin. Mga 8 o 9 years old nung nangyari ‘to, nasa bible study kami noon. May nagtuturo samin ng mga kanta at salita ng diyos, brother tawag namin sakanya. Kaibigan yun ni mama sa simbahan, si mama close sakanya kasi isa sya sa mga nagudyok na sumali si mama sa mga akibidad ng simbahan. Naging close rin ako sakanya kasi mabait sya.
Nung hapon na yon, masayang-masaya ako kasi may mga taong gusto yung pagkanta ko, nung natapos na yung bible study namin, kami nalang yung natira sa lugar na maituturing na office ng village namin. Habang nagsasarado ako ng mga bintana, bigla niya akong tinawag, nasa likuran ko sya. Naramdaman ko na hinahawakan niya paunti-unti yung hita ko hanggang pwetan ko, nagulat ako nun. Bigla akong napatingin sakanya, dun ko nakita na parang nadismaya sya sa reaksyon ko. Iniisip niya siguro na hahayaan ko lang sya na gawin iyon kasi close na kami at mabait sya saakin.
Umuwi ako ng bahay nang gulong-gulo kasi alam ko yung ginawa niya mali. Maling mali kasi nakikita ko yung mga pangyayaring ganto sa TV na may mga pinapatay. Naisip ko nung araw na iyon na ayokong maging ganun na kagaya sa TV na pinapatay. Kahit na gulat na gulat at takot na takot ako, nilakasan ko ang loob ko na umalis sa lugar na iyon kasi may posibilidad na may gawin pa syang malala saakin.
Naalala ko na umuwi pa kami ng sabay na parang wala syang pakialam sa ginawa niya, gulong-gulo ako. Yung mukha niya parang walang nangyari, nag-usap pa nga sila ni mama pagkauwi namin. Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko, kung sasabihin ko ba kay mama o itatago ko nalang, ayoko ma-disappoint si mama kasi naisip ko nun na kasalanan ko kasi naging pabida ako sa boses ko. Kasalanan ko yun. Paglaki ko dun ko lang realize na hanggang ngayon, malinaw ko paring naaalala ang pangyayaring iyon. Gusto kong makalimot, magkaamnesia kasi maliban pa sa lalaking iyon, may ilan pa akong kakilala na may gumawa sakin ng masama. Nakakapagtataka lang na ang aking pagiging babae ay tila isang kahinaan, nakakadismaya. Ayoko na maging babae.
bakasyon yon nung tumira samin yung lolo ko, hanggang sa magpasukan grade 7 ako that time, nung una mabait naman siya samen lalo na sakin lagi niya kaming binibigyan ng baon sa school magkapatid, hanggang sa napansin ko na parang pataas ng pataas yung binibigay yung binibigay niya sakin na baon tapos pinapabeso niya ako non nasa harap namin si mama pero before naman hindi niya pinagawa saken yon hanggang sa naging ganon na palagi bigay baon, beso.
so ako siyempre parang nagtataka na parang feeling ko ang awkward na kase iba na yung tingin niya saken, after non nag iipon na ko para hindi na ko nanghihingi sa kanya pero lagi siyang nag iinsist and nasa harap ko lang si mama nakangiti ang iniisip niya okay lang yon, pero sakin hindi na.
hindi na ko napapakali sa bahay, gusto ko lagi ako umaalis hanggang sa isang hapon umalis si mama kasama yung kapatid ko para mamalengke ang naiwan lang ako and yung lolo ko so pinipilit ko si mama na isama ako pero hindi siya pumayag, kabado na ako non kase kaming dalawa lang maiiwan kaya lagi akong nasa labas bigla niya kong tinawag ng malakas na parang galit kaya napilitan akong pumasok tapos bigla niyang nilock yung pinto tapos tinakot niya ko na papatayin niya parents ko kapag nagsumbong ako, hiniga niya ko sa kama tinanggal niya lahat ng suot ko paggising ko parang wala lang nangyari, hindi yon nalaman ng mga magulang ko hanggang sa umuwi yung lolo ko sa probinsya at saktong paglipas ng isang linggo namatay din siya.
↓
#MayKwentoAko
Makibahagi sa usapan, feel free to share your stories or read more of your submissions below.
If you need to locate a health facility near you, you can use our Health Facility Locator. For rescue resources and contact numbers, see this list.