Skip to content Skip to footer

Ano ang contraception?

Ang contraception ay mga paraan ng pagpaplano at pag-iwas ng pagbubuntis ng isang babae. May iba't ibang uri ng contraceptives at lahat ng ito ay ligtas sa ating kalusugan.

Mayroong limang uri ng contraception na legal sa Pilipinas.

Long-Acting Reversible Contraception or LARC
LARC ay ang mga pamamaraan na tumatagal ng taon ang bisa.

Ang mga pamamaraang ito ay kinabibilangan ng mga Intrauterine Device (IUD) and Implant.

Hormonal Methods 
Ito ang mga hormones na gawa sa laboratoryo na magdudulot ng pagbabago sa katawan upang mapigilan ang pagbubuntis.

Ang mga pamamaraang ito ay kinabibilangan ng mga Combined Oral Contraceptive Pills (COC), Progestin-Only Pills (POP), Implant, and Progestin IUD.

Barrier Methods
Ang mga pamamaraang ito ay hahadlang sa semilya ng lalaki na makaabot sa itlog ng babae.

Ang mga pamamaraang ito ay kinabibilangan ng Condoms na panglalaki at pambabae, Diaphragm, Cervical Cap and Spermicide.

Fertility Awareness-based Methods
Ginagamit ang mga itong natural na pamamaraan upang matukoy ang mga araw na fertile ang babae kung saan maaari siyang mabuntis pagkatapos makipagtalik.

Ang mga pamamaraang ito ay ay kinabibilangan ng Standard Days Method (SDM), Two Day Method, Billings Ovulation Method, Basal Body Temperature Method at ang Symptothermal Method.

Permanent Methods
Ang mga pamamarang ito ay kinabibilangan ng simpleng operasyon upang maging permanenteng harangan ang paglabas ng semilya mula sa lalaki o itlog mula sa babae.

Ang mga pamamaraang ito ay kinabibilangan ng No-Scalpel Vasectomy (NSV) at ng Bilateral Tubal Ligation.

Ang pinakamahusay na pamamaraan para sa’yo ay maaaring mag-iba depende sa iyong edad, iyong kalusugan, estado sa buhay, at mga prayoridad. Pinakamabuting kumonsulta ng isang doktor. Tatanungin ka nila ng ilang mga katanungan at batay sa iyong sagot ay irerekumenda nila ang pinakamahusay at pinakaligtas na kontraseptibo para sa iyo.

Narito ang bisa ng bawat contraceptive ayon sa tipikal na paggamit.

Condom lamang ang contraceptive na maaring magbigay proteksyon laban sa STI.

 Ang mga non-hormonal barrier contraceptive tulad ng condom ay walang mga side effect.

Ang edad na 16 ay ang pinaka-karaniwang edad para sa mga tinedyer upang simulan ang paggamit ng contraceptives. Sa edad na ito, ang karamihan sa mga kababaihan ay may regular ng regla. Mahalaga na na kumunsulta muna sa doktor bago gumamit ng contraceptives.

Maliban sa abstinence, walang paraan na maaaring masiguro na 100% kang hindi mabubuntis. Kung sakaling gumagamit ka contraceptives at nabuntis ka, mas mainam na magpasuri sa iyong doktor upang matiyak na malusog ka at ang iyong dinadala.

Ang mga hormonal contraceptives ay maaring may side effects sa gumagamit, ngunit ang pagkabaog ay hindi isa dito. Ayon sa maraming mga pag-aaral, pareho lang ang tsansa ng pagbubuntis ng mga babaeng dating gumamit ng contraceptives at sa mga babaeng hindi kailanman gumamit ng contraceptives.

Para sa ilang mga kababaihan na gumagamit ng hormonal contraceptives, posible na makaapekto ang pagbabago sa pagbabalanse ng mga hormone ay maging sanhi ng mga pagbabago sa kanilang sex drive. Kung nagpapatuloy ito, kumonsulta sa iyong healthcare provider.

Kung ang pag-iwas sa pagbubuntis ay ang dahilan ng paginom ng contraceptives, hindi dapat tumigil sa paggamit nito hanggang sa lumipas ang labindalawang buwan nang walang pagreregla.

Ang mga contraceptives na  ito ay libre sa mga City and Municipal heath centers and hospitals.

  • Combined Oral Contraceptives (COC)
  • Condom – Male
  • Implant
  • Injectable (DMPA)
  • Intrauterine Device (IUD) – Copper T
  • Progestin-only Pills (POP)

Ang Bilateral Tubal Ligation and No-Scalpel Vasectomy (NSV) ay libre rin sa ilalim ng  PhilHealth Package sa mga government heath facilities. Ang mga pribadong doctor ay maaring maningil ng kanilang professional fee.

Lactation Amenorrhea Method (LAM) ay walang kaakibat na gastos.

Ang cycle beads na  ginagamit sa Standard Days Method (SDM) ay maaring libre sa ibang mga City and Municipal heath centers and hospitals. Kung hindi naman, ang cycle beads ang cyle beads ay mabibili sa halagang mga isang daang piso lamang (Php100.00)

Talk to us.


If you have additional questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here