Mommy Anne shared with us her pregnancy journey as a teen mom for #MayKwentoAko.Â
Here’s her story:
“I have a long time boyfriend and I got pregnant at the age of 16, then gave birth at the age of 17. Hindi naman ako maselan nung nagbuntis, pero noon ko lang nalaman na may UTI pala ako. Kaya naman kinailangan kong mag-take ng iba’t ibang gamot para mawala ‘yung UTI ko. Every month kaming nagpapacheck up kaya alagang alaga si baby.
Maliit lang ako kaya hindi gaano kalaki ang tiyan ko nung nagbubuntis. Pero sabi sa’akin, malaki raw para sakin ‘yung tiyan ko hehe. Muntik nang lumaki si baby sa loob, mabuti nalang napagsabihan. 8 months kong tinago sa family ko na pregnant ako. Sa side ng boyfriend ko, 5 months na nung sinabi namin. Hindi kasi kami kumpletong pamilya pero hindi naman ‘yun ang dahilan kung bakit nabuntis ako. Huwag niyo sana akong husgahan o ang pamilyang kinalakihan ko. 🙂 Noong mga panahon na ‘yun, tanging si lola, kapatid ko, at boyfriend ko lang ang kasama ko sa bahay. Hindi ko kasi gustong mastress kaya hindi ko kaagad sinabi sa lola at mommy ko. Dahil alam kong mapapagalitan ako hehe. Okay naman na lahat dahil ngayon, tuwang tuwa sila at mahal na mahal nila si baby.
Bago ako manganak, sakto ang uwi ni daddy galing ibang bansa. One day after niyang makauwi, nanganak na ako haha. Buo ang desisyon ko noon na manganak sa isang Lying In dahil na rin nung nagpa-check up ako sa isang public hospital, (kung sakali mang hindi ko raw kayanin, idederetso ako doon) ang daming sinabi sakin ng mga nurse na hindi magaganda.”
“Habang naglelabor ako, patawa-tawa pa ako kahit masakit na. Hoping na makauwi si LIP from work ng maaga para sana masamahan ako. Kaso hindi siya nakaabot. 8 cm na ko nun, naiiyak na ako kasi nastress ako, wala ‘yung soon to be MIL ko kasi nasa work kaya ‘yung kapatid niya ang sumama sakin.Â
Actually, ang dami nga nilang sumama sakin hahaha sabi pa nung midwife, bakit kasama ko raw pati mga kapitbahay. Unexpectedly, dumating ‘yung mommy ko kahit hindi ko sinabi sakanya. Siguro na-feel niya nalang after ko nun sabihin na mukhang my water broke already. November 30, 2019 at 7:30 PM, lumabas ang aking baby boy. Normal delivery at walang pilas. Kaso naka-tatlong pulupot ‘yung umbilical cord niya. Bago pala ako manganak, hindi na ako nakapag pa-ultrasound. Huling ultrasound ko nung nalaman namin ‘yung gender. It wasn’t easy pero para lang din akong jumebs pero iba ‘yung nilabasan haha. Mabuti nalang magaling ‘yung nagpaanak sakin at sumunod din ako sa mga sinasabi niya. Hindi ako gaanong nahirapan sa pag ire. “Thank You Lord” ang unang lumabas sa bibig ko pagkalabas ni baby. Kung hindi dahil sa guidance Niya, hindi ko masusurvive ang pregnancy and birth journey ko.Â
Right now, nagtetake ako ng Pills na Exluton para sa BF mom dahil noon pa man, buo na rin ang desisyon ko na magpa BF. And I’m so happy dahil sa desisyon kong ‘yun. Si baby, hindi sakitin at napaka-clingy. Na-disappoint man ang pamilya ko at pamilya ng boyfriend ko, pero hindi dito nagtatapos ang pangarap ko sa buhay. Hindi porket napaaga akong nagkaroon ng baby, magiging hadlang na ito para sa future ko.
To all teenagers, mag-aral kayong mabuti 🙂 Huwag din kayong magtiwala agad sa lalaki dahil kung sakaling humantong ka sa “prego mode” hindi mo alam kung paninindigan ka ba niya o iiwan ka. Kaya to all the pregnant moms out there, laban lang! Kaya niyo ‘yan para kay baby. Thank you and Godbless everyone!” – Anne
Tulad nina Mommy Anne na may nais ibahagi, May kwento ako is your virtual heart to heart, #SKL, open forum, and safe space for productive discussions. Simulan natin sa karaniwang mga tanong na hindi pangkaraniwang pinag-uusapan.
It’s time we break the taboo around sexual and reproductive health. May kwento ako starts the convo.
Ibahagi ang inyong mga karanasan (mahaba man o maikli) sa family planning, maternal health, HIV & STI, gender violence, at inyong kabataan. Ang inyong mga ipapadalang kwento ay maaari naming ibahagi sa aming website at social media.