Important: Pwedeng magpalagay ng implant ang isang babae kahit kailan kung siguradong hindi buntis. Check itong link to know kung buntis o hindi at kung pwedeng gumamit ng contraceptives https://rh-care.info/check-off-this-list-to-know-if-you-are-pregnant/.
Walang mga examinations na kailangan bago magsimula ng contraceptive implant, pero advisable na tignan ang blood pressure.
Woman’s Situation Number 1: Merong regla o lilipat mula sa nonhormonal method na contraceptive
Kailan pwedeng lagyan ng Implant?
- Kahit anong araw ng buwan pwedeng magpalagay ng implant.
- Kung nasa loob ng unang 7 days ng regla, pwedeng magpalagay ng implant agad-agad nang walang backup method na kailangan.
- Kung lampas na ng 7 days mula sa first day ng regla, pwedeng magpalagay ng implant kahit kailan kung siguradong hindi buntis. Pero, kailangan ng backup method sa unang 7 days pagkatapos magpalagay.
- Kung lilipat galing sa IUD sundin ang mga sumusunod:
- Kung nasa loob ng unang 7 days ng regla, pwedeng magpalagay ng implant agad-agad nang walang backup method na kailangan.
- Kung lampas na ng 7 days mula sa first day ng regla at mayroong pakikipagtalik na naganap simula sa huling regla, pwede ng ilagay implant pero huwag munang tanggalin ang IUD. Tanggalin ang IUD sa susunod na regla.
- Kung lampas na ng 7 days mula sa first day ng regla at walang pakikipagtalik na naganap simula sa kanyang huling regla, maaaring manatili ang IUD sa lugar at alisin ito sa susunod na regla, o maaaring alisin ang IUD at gumamit ng backup na paraan sa mga susunod na 7 araw.
Woman’s Situation Number 2: Lilipat mula sa ibang hormonal method
Kailan pwedeng lagyan ng Implant?
- Kung ginagamit ang hormonal method nang consistent at correct, o kung siguradong hindi buntis, pwedeng magpalagay ng implant agad-agad (hindi na kailangan maghintay para sa susunod na regla), at walang backup method na kailangan.
- Kung Lilipat mula sa progestin-only o combined monthly injectable, pwedeng magpalagay ng implant sa next scheduled shot. Walang backup method na kailangan.
Ang backup methods ay abstinence, male at female condoms, spermicides, at withdrawal. Ang spermicides at withdrawal ay pinaka hindi effective na contraceptive methods. Kung posible, bigyan ng condoms.
Woman’s Situation Number 3: Fully o nearly fully breastfeeding
Less than 6 months pagkatapos manganak
Kailan pwedeng lagyan ng Implant?
- Kung hindi pa bumalik ang regla, pwedeng magpalagay ng implant any time between giving birth and 6 months. Walang backup method na kailangan.
- Kung bumalik na ang regla, pwedeng magpalagay ng implant ayon sa advice para sa mga babae na may regla (Woman’s Situation Number 1 sa itaas).
More than 6 months pagkatapos manganak
Kailan pwedeng lagyan ng Implant?
- Kung hindi pa bumalik ang regla, pwedeng magpalagay ng implant any time kung siguradong hindi buntis. Pero, kailangan ng backup method sa unang 7 days pagkatapos magpalagay.
- Kung bumalik na ang regla, pwedeng magpalagay ng implant ayon sa advice para sa mga babae na may regla (Woman’s Situation Number 1 sa itaas).
Woman’s Situation Number 4: Partially breastfeeding
Kailan pwedeng lagyan ng Implant?
- Kung hindi pa bumalik ang regla, pwedeng magpalagay ng implant any time kung siguradong hindi buntis. Kailangan ng backup method sa unang 7 days pagkatapos magpalagay.
- Kung bumalik na ang regla, pwedeng magpalagay ng implant ayon sa advice para sa mga babae na may regla (Woman’s Situation Number 1 sa itaas).
Woman’s Situation Number 5: Hindi breastfeeding (pagkatapos manganak)
Less than 4 weeks pagkatapos manganak
Kailan pwedeng lagyan ng Implant?
- Pwedeng magpalagay ng implant kahit kailan, at walang backup method na kailangan.
More than 4 weeks pagkatapos manganak
Kailan pwedeng lagyan ng Implant?
- Kung hindi pa bumalik ang regla, pwedeng magpalagay ng implant any time kung siguradong hindi buntis. Kailangan ng backup method sa unang 7 days pagkatapos magpalagay.
- Kung bumalik na ang regla, pwedeng magpalagay ng implant ayon sa advice para sa mga babae na may regla (Woman’s Situation Number 1 sa itaas).
Woman’s Situation Number 6: Walang regla (hindi related sa childbirth o breastfeeding)
Kailan pwedeng lagyan ng Implant?
- Pwedeng magpalagay ng implant any time kung siguradong hindi buntis. Kailangan ng backup method sa unang 7 days pagkatapos magpalagay.
Woman’s Situation Number 7: Pagkatapos ng miscarriage o abortion
Kailan pwedeng lagyan ng Implant?
- Kung nasa loob ng 7 days pagkatapos ng first o second trimester miscarriage o abortion, pwedeng magpalagay ng implant agad-agad nang walang backup method na kailangan.
- Kung lampas na ng 7 days pagkatapos ng first o second trimester miscarriage o abortion, pwedeng magpalagay ng implant any time kung siguradong hindi buntis. Pero, kailangan ng backup method sa unang 7 days pagkatapos magpalagay.
Woman’s Situation Number 8: Pagkatapos uminom ng emergency contraceptive pills (ECPs)
Pagkatapos uminom ng progestin-only o combined ECPs
Kailan pwedeng lagyan ng Implant?
- Pwedeng magpalagay ng implant sa same day na uminom ng ECPs. Hindi na kailangan maghintay para sa susunod na regla. Kailangan ng backup method sa unang 7 days pagkatapos magpalagay.
- Kung hindi nag-umpisa agad pero bumalik para sa implant, pwedeng magsimula kahit kailan kung siguradong hindi buntis.
Pagkatapos uminom ng ulipristal acetate (UPA) ECPs
Kailan pwedeng lagyan ng Implant?
- Pwedeng magpalagay ng implant sa ika-6 na araw pagkatapos uminom ng UPA-ECPs. Hindi na kailangan maghintay para sa susunod na regla. Nag-iinteract ang implant at UPA. Kung magpalagay ng implant mas maaga at parehong nasa katawan ang dalawang gamot, baka maging less effective ang isa o pareho sa mga gamot.
- Kailangan ng backup method mula nang uminom ng UPA-ECPs hanggang 7 days pagkatapos magpalagay ng implant.
- Kung hindi nag-umpisa sa ika-6 na araw pero bumalik para sa implant, pwedeng magsimula kahit kailan kung siguradong hindi buntis.
Source: Family Planning: a Global Handbook for Providers (Updated 4th Edition 2022) – WHO. (2022, November 16), pages 138-140.
Naghahanap ka ba ng mapagkakatiwalaan at abot-kayang serbisyong pangpamilya sa pagpaplano ng pamilya sa Manila? Kung gayon, marapat mong tingnan ang Comprehensive Family Planning Center (CFPC) sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.
Kung kailangan ninyo ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya, maaari kayong maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming Health Facility Locator sa rh-care.info/providers. I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services sa loob ng sampung kilometro mula sa iyong lokasyon.