We animated your stories submitted through May Kwento Ako. Seeing it’s time we break the taboo around sexual and reproductive health, May Kwento Ako starts that convo.
Tap below for the full length entries of the stories narrated. Trigger warning, there’s mention of harassment.
- "UNC"
- "Mai"
- "P"
Volunteer ako sa church and one time may event kami. Me being myself, I smiled at everyone including him. We became friends, lagi na sya naglalaro ng basketball sa church and that’s why we see each other everyday. Mabait naman sya, magaling makisama sa lahat and kaya i trusted him and treated him as a friend.
One time may nagsabi na he likes me daw, so ako wala namn sakin yun. If you like me it’s fine, we’re still friends pa rin naman. I saw his efforts, naghihintay lagi para matapos ung time ko sa church and all. Kaya nasa part kami na ‘get to know each other’ stage.
One time nagaya ako kumain, because I was trying to be close with him din. Habang papunta kami sa place, I was shocked because umakbay sya, and what made me even more shocked is when he touched my breast. I was clueless that time, kaya ang nasa isip ko it’s an accident lang na hindi nya sinasadya, pero habang tumatagal na magkasama kami he started touching my thighs and the other parts of my body . Even sa church, he won’t stop, he was still touching me and that made me so not ok because no one even noticed it.
Pag volunteer ako sa church, hindi sya umaalis. He waited for me and that made me feel uncomfortable. Kahit sa tingin nya lang hindi na ako comfortable. Akala ng iba, nagiinarte and nagmamaganda lang ako pero no that was not it.
Maybe some of you may think na pwede naman ako magsumbong, but I just can’t. Why? I chose to be a friend to him and maging ka close sya. And the other thing is, may maniniwala ba sakin? Mataba ako. I am fat, may maniniwala ba sa akin? I just can’t, I’m a girl who is full of Insecurities baka pag sinabi ko na may nang Harass sakin walang maniwala.
A lot of people, even my churchmates and my mom asked me “bat hindi mo sinagot? mabait naman sya.”
Akala ko din mabait sya, akala ko pag nasa church ako safe ako.
This happened when I was around 17-18 years old.
Lima kaming magkakapatid, dalawang babae at tatlong lalake, ako yung panganay.
Sa iisang kwarto kami lahat natutulog, dalawang bunker bed at isang foam na nakalatag sa sahig. Hiwalay ang mga kama namin and may drawers lang na nakapagitan sa higaan namin ng mga kapatid kong lalake.
Kalagitnaan ng gabi, nagising nalang ako dahil may nararamdaman akong kakaiba and nasisilaw ako sa ilaw. Nung medyo pamulat na ako, napansin ko yung kapatid kong lalaki (4 years younger) na hinahawakan yung laylayan ng damit ko. Nung napansin nya atang pagising na ako, he immediately run to his side of the bed and closed the lights. I couldn’t actually grasp what happened, akala ko guni-guni ko lang o dahil antok pa ako kaya hinayaan ko at nakatulog ulit.
Then this happened again, tulog na kaming lahat at nagising nanaman ako dahil may nararamdaman nanaman akong humahawak sakin. Nararamdaman kong may humihila ng garter ng pajama ko. Pagmulat ko SYA nanaman ulit. That same sibling. Naka harap kasi ako noon sa pader habang nakahiga and yung likod ko yung exposed sakanya, kaya nung paharap na ako para tingnan sya, nagmadali nanaman syang patayin ulit yung ilaw at pumunta sa higaan nya.
That time, nag sink-in na sakin kung ano yung ginagawa nya pero nawalan ako ng lakas ng loob para gumawa ng action that same moment. Ni kumatok sa kwarto nina mama o sumigaw hindi ko nagawa. Nakatulala lang ako habang umiiyak ng tahimik.
Nag-ooverthink sa kung anong mga posibleng mangyari o nangyayari kapag hindi ako nagigising. Hanggang saan kaya ang nagagawa nya pagmahimbing ang tulog ko at walang kamalay-malay?
May something na talaga sa kapatid kong iyon na kinaiinisan ko kaya before that incident, hindi na talaga kami nagpapansinan. Mas lalo pang tumindi yung hatred na nararamdaman ko sakanya nung ginawa nya yon. Sinubukan kong magsumbong kay mama, sinabi lang nyang kakausapin nya yung “kapatid” kong iyon. Pero ang nakakalungkot dahil sabihan nalang ako ni mama na wag ko nang ikwento pa sa iba after ko magsumbong sakanya.
Ilang beses pa yun nangyayari ilang buwan after syang kausapin ni mama. At pare-pareho lang ang nangyayari, pamulat palang ako tatakbo na sya at papatayin ang ilaw. Ako yung maduduwag at walang nagawa kundi umiyak.
Simula non, napapraning na akong matulog. Hindi ako makatulog ng maayos nang walang nilalagay na kung ano-anong harang sa pagitan ng mga higaan namin. Halos mag-jacket ako at jogging pants pagmatutulog kahit mainit. Magigising nalang ako sa konting galaw na nararamdaman ko, pag-may naririnig akong kaluskos, at may mga gabing iiyak ako pag-naaalala ko yung nangyari.
Para akong binabangungot hanggang pag-gising. Nakakadiri. I protected myself para hindi ako mabastos sa labas, pero sa sarili ko pa palang bahay ako makakaranas ng ganito. Nakakapanghina.
4 or 5 years old ako non nang mangyari to. Hindi ko alam na abuse yun kung hindi pa ko aabot sa tamang edad.
Ako kasi palagi ang nauutusan dito sa bahay namin so minsan nauutusan ako sa kanila. Maraming beses nangyari to kada lasing siya may times na hahalikan niya leeg ko, hihiga sa lap ko, or minsan magtatago siya sa ref nila na sira at tatawagin ako para ipahawak yung “D” niya.
Pero ito yung hindi ko makalimutan sa lahat. So one time pumunta ako sa kanila para maglaro (syempre bata kaya lagalag) then this time hindi siya lasing so akala ko safe ako mali pala ako. Itinayo niya ko sa upuan nakatalikod sa kaniya when he suddenly inserted his finger inside me and rub my clit, hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na yun, I was calling his son pero dedma lang.
Wala ako pinagsabihan after non maliban sa nanay ko pinalayo niya ako sa kaniya. Ni hindi alam ng tatay ko to hanggang sa mamatay siya. Pati mga kuya ko hindi alam. Hanggang ngayon nararanasan kong ma abuse may time pa na lasing siya tapos ako pinabili ni kuya ng pagkain then pagbalik ko nag mamasturbate na siya halata ko kahit nakapasok kamay niya sa short niya halata ko yun sa facial expression niya. Hanggang ngayon ginagambala ako ng trauma na dulot ng pangyayari na yun.
Btw tito ko pala gumawa sa akin ng lahat na to kapatid pa mismo ng tatay ko. Minsan pala ang kapahamakan wala sa labas kundi nasa paligid mo lang, ang malala pa dito kamag-anak mo pa.
↓
#MayKwentoAko
If you have experiences you’d like to voice out, feel free to share your stories with us below.
If you need to locate a health facility near you, you can use our Health Facility Locator. For rescue resources and contact numbers, see this list.