Too long, didn’t read, here’s your basic guide to Polycystic Ovarian Syndrome.
Kilalanin si Christine. She’s into her second year of a happy marriage with her husband, but still no kids. Iniisip niya kung ito ay may kinalaman sa kanyang irregular period, kaya nagplano na siya magpatingin sa isang Doktor.
Christine with her doctor, went through a few tests para sa kanyang diagnosis. May pa-check ng symptoms, physical exam, ultrasound, at ilang mga blood test para suriin kung mayroong PCOS si Christine. Binanggit ni Doc, na ayon sa mga pag-aaral, isa sa sampung kababaihang nasa labing lima hanggang apat na pu’t siyam na edad, ay nakararanas ng Polycystic Ovarian Syndrome. Pinag-usapan nila kung ano nga ba ang Polycystic Ovarian Syndrome o PCOS?
Ang PCOS ay isang hormonal disorder. Ito ay syndrome o grupo ng mga sintomas na:
- Una, iregular na dating ng buwanang regla. Maaaring dumating ito ng madalang o less than 9 times a year, o kaya, masyado namang madalas.
- Pangalawa, may sintomas na mataas ang male hormone na Androgen. Pagmataas ang hormone na ito, maaaring maka-trigger ng acne, paglago ng buhok sa katawan at mukha, pagnipis o pagkalagas ng buhok sa ulo, pangingitim ng balat sa leeg at singit.
- Pangatlong sintomas, ay ang pagkakaroon ng Polycystic Ovaries. Ito ay makikita sa ultrasound na ang ovary ay may sampu o higit pang immature follicles.
Hindi pa tukoy kung ano ang eksaktong sanhi ng sakit na PCOS, ngunit mayroong ilang mga risk factors tulad ng genes o minana, ang pagkakaroon ng sobrang insulin sa katawan, at inflammation. Sinabi rin ni Doc kay Christine, na sa kabila ng risk factors, ang maagang pagtukoy niya sa kanyang PCOS at agarang gamutan, ay makakaiwas sa komplikasyon tulad ng infertility, diabetes, high blood, sakit sa puso, abnormal vaginal bleeding, at obesity.
Tulad ng sabi ni Doc kay Christine, girls, wala kayong dapat ikatakot sa PCOS! Bumisita sa rh-care.info/providers para sa listahan ng mga health facilities na malapit sa inyong lugar at kumunsulta sa health professional para ikaw ay matulungan.