Ang teenage o adolescent pregnancy ay ang pagbubuntis ng mga kababaihang nasa 10-19 na taong gulang. Bukod sa masamang epekto sa kalusugan, maaari rin itong magdulot ng social consequences tulad ng hindi pagtatapos sa pag-aaral, problemang emosyonal at pinansyal pagdating sa pagpapalaki ng bata, at kahirapan sa paghahanap ng trabaho.
Narito ang ilan sa mga facts tungkol sa paggamit ng contraceptives ng mga kabataan:
- Lahat ng mga modern family planning o contraceptive methods ay safe na gamitin.
- Pagdating sa paggamit ng Injectable o DMPA ng mga kababaihang nasa 18 years old pababa, ayon sa W.H.O., ay mas higit ang risk ng hindi planadong pagbubuntis kaysa sa posibleng epekto nito sa buto.
- May mga grupo ng kabataan na mas high-risk magkaroon ng STIs kaya mainam bigyan ito ng konsiderasyon pagdating sa pagpili ng gagamiting contraceptive.
- Kailangan ng mga kabataan ng tamang counseling upang mas maintindihan at hindi mabigla sa paggamit nito.
- Para naman sa mga teen parents, kailangang bigyan diin ang importansya ng healthy timing at spacing pagdating sa pagbubuntis. Kaya maaaring mas mainam sa kanila ang paggamit ng mga long-term reversible methods.
Ito ang mga method na inirerekomendang gamitin ng mga kabataan ayon sa kanilang health condition at lifestyle:
- Para sa birth control pills, kailangan lamang siguraduhin na nasusunod ang tamang pag-inom nito.
- Advisable ang injectable o DMPA lalo na sa mga nangangailangan ng method na discreet ang paggamit
- Ang implant ay 99.9% effective na contraceptive na tumatagal ng tatlong taon.
- Mainam ang paggamit ng condom para sa mga kabataan dahil hindi lamang ito nagbibigay proteksyon sa hindi planadong pagbubuntis, ngunit pati na rin proteksyon sa HIV at STIs.
- Maaaring gamitin ang IUD ngunit hindi ito nararapat sa mga kabataang high risk sa STIs.
- Ang Standard Days Method ay inirerekomenda lamang kung regular ang menstruation na nasa dalawampu’t anim hanggang tatlumpu’t dalawang (26-32) araw ang cycle.
Hindi naman inirerekomenda ang ligation at vasectomy sa mga kabataan dahil ang mga method na ito ay itinuturing na permanente at irreversible.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Reproductive Health, iba’t ibang birth control methods, at maternal health care, bumisita lamang sa rh-care.info.
Reference: The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning 2014 Edition