fbpx
Skip to content Skip to footer

Teenage Pregnancy at Contraception

Lahat ng mga modern family planning/contraceptive methods ay safe na gamitin ng mga kabataan.

Alam mo ba na ang Pilipinas ay pangatlong bansa na may pinakamataas na insidente ng Teenage Pregnancy sa buong ASEAN region? Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Save the Children noong 2019, 5.99% o 300,000 na kababaihan na nasa edad 15-19 years old ang nakaranas ng Teenage Pregnancy sa ating bansa. 

Ang teenage o adolescent pregnancy ay ang pagbubuntis ng mga kababaihang nasa edad 10 hanggang 19 na taong gulang. Maari itong magdulot ng mga di inaasahang problema sa kalusugan ng ina at ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis. Ang kawalan ng access sa tamang prenatal care at komplikasyon sa pagbubuntis at panganganak ang ilan sa maaring maranasan ng mga batang ina.

Bukod sa masamang epekto sa kalusugan maari rin itong magdulot ng social consequences tulad ng hindi pagtatapos sa pag-aaral, problemang emosyonal at pinansyal pagdating sa pagpapalaki ng bata at kahirapan sa paghahanap ng trabaho. 

Ang mga maaring dahilan ng mataas ng teenage pregnancy sa ating bansa ay ang mga sumusunod:

  • kakulangan sa reproductive health education,
  • kahirapan,
  • mga national policies na naglilimita sa access sa contraception,
  • kawalan ng access sa mga counseling services ng mga kabataan.

Dahil dito, tinatayang 21% lamang ng mga sexually active na kabataan ang gumagamit ng contraceptives. Hindi lamang sila high risk sa unplanned pregnancy ngunit pati na rin sa sexually transmitted infections.

Narito ang ilan sa mga facts tungkol sa paggamit ng contraceptives ng mga kabataan:

  • Lahat ng mga modern family planning/contraceptive methods ay safe na gamitin ng mga kabataan.
  • Pagdating sa paggamit ng Injectable o DMPA ng mga kababaihang edad 18 pababa, nagkaroon ng mga concerns ang mga experts sa posibleng maging epekto nito sa bone density ngunit ayon sa WHO, ay mas higit ang risk ng hindi planadong pagbubuntis kaysa sa posibleng epekto nito sa buto.
  • Kumpara sa mga matatanda, ang mga kabataan ay walang mga medical conditions na maglilimita sa kanila upang gumamit ng contraceptives.
  • May mga grupo ng kabataan na mas high-risk magkaroon ng sexually transmitted infections kaya naman nararapat lamang na bigyan ito ng konsiderasyon pag dating sa pagpili ng gagamiting contraceptive.
  • Kailangan ng mga kabataan ng tamang counseling tungkol sa mga posibleng side effects ng ibang method ng contraceptive upang mas maintindihan at hindi mabigla sa paggamit nito.
  • Maaring maging mahirap para sa mga kabataan ang paggamit ng method na kailangan gamitin o inumin araw-araw dahil na rin sa pagiging unpredictable ng kanilang pakikipagtalik at sakaling kailangan palihim ang paggamit ng contraceptive at pakikipagsex. 
  • Para naman sa mga teen parents, kailangang bigyan diin ang importansya ang healthy timing and spacing pagdating sa pagbubuntis. Kaya maaring mas mainam sa kanila ang pag gamit ng mga long-term reversible methods.

Ito ang mga method na recommended na gamitin ng mga kabataan base na rin sa kanilang heatlh condition at lifestyle:

  • Birth Control Pills (COC at POP) – Maari itong gamitin ng mga kabataan ng walang komplikasyon. Kailangan lamang siguraduhin na nasusunod ang tamang pag-inom nito.
  • Injectable (DMPA) – Advisable ito lalo na sa mga nangangailangan ng method na discreet ang paggamit .
  • Condoms – Mainam ang paggamit ng condom para sa mga kabataan dahil hindi lamang ito nagbibigay proteksyon sa hindi planadong pagbubuntis ngunit pati na rin proteksyon sa HIV at STIs. 
  • Intrauterine Device (IUD) – Maaring gamitin ang method na ito ngunit maaring hindi ito nararapat sa mga kabataang high risk magkaaron ng STIs.
  • Standard Days Method – Inirerekomenda lamang ito kung regular ang buwanang dalaw ng babae at ang cycle nito ay nasa 26 to 32 days long.

Hindi naman inirerecomenda ang ligation at vasectomy sa mga kabataan dahil ang mga method na ito ay permanente na at irreversible. 

Kaalaman sa reproductive health at tamang counseling ang kailangan upang masolusyonan ang lumalalang problema ng teenage pregnancy sa ating bansa. Para sa karadagang impormasyon sa Reproductive Health,  iba’t ibang birth control methods at Maternal Healthcare, bumisita lamang sa rh-care.info.

Reference: The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning 2014 Edition

* * * * *

Kung kailangan mo ng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya, maaari kang maghanap ng Family Planning Providers na malapit sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng aming HEALTH FACILITY LOCATOR. I-input lamang ang iyong lokasyon, pagkatapos ay piliin ang “Family Planning Services” at i-click ang search button. Ang mga resulta ay magpapakita ng mga health facilities na nagbibigay ng family planning services  sa loob ng 10 kilometro radius mula sa iyong lokasyon.

Talk to us.


If you have questions, you can talk to us privately through our Facebook Messenger. This service is free.

Ask here